Ok lang manligaw ng ibang babae si Daniel, desisyon niya 'yun! – Kathryn | Bandera

Ok lang manligaw ng ibang babae si Daniel, desisyon niya ‘yun! – Kathryn

Ervin Santiago |March 04,2015
facebook
share this

Ok lang manligaw ng ibang babae si Daniel, desisyon niya ‘yun! – Kathryn

Ervin Santiago - March 04, 2015 - 02:00 AM

daniel padilla
OKEY lang kay Kathryn Bernardo kung manliligaw ng ibang babae si Daniel Padilla. Hindi naman daw sila mag-boyfriend para pigilan ang Teen King na pumorma sa ibang magugustuhan nito.

Ayon kay Kathryn, wala siyang karapatang diktahan si DJ sa mga personal na aspeto ng kanilang buhay dahil wala naman silang serious commitment sa isa’t isa, “May right naman.

Ang selfish naman kapag sinabi ko na ayaw ko siya manligaw sa ibang babae. He’s very young, he’s 19. Hindi ko siya ipagkakait sa iba. Decision niya ‘yun.”

Sa interview ng The Buzz last Sunday, tinanong naman ang Teen Queen kung siya ba ay papayagan ni Daniel na magpaligaw sa ibang lalaki, pero hindi niya ito sinagot ng diretso.

Aniya, alam naman ng lahat na may something special sila ng binata, sa katunayan ay meron din silang “anniversary.”
“Hindi naman namin matatago na special kami sa isa’t isa. We are very close.

Kino-consider na lang namin ‘yung day na naging love team kami, ‘yun na lang ‘yung parang anniversary. That was three years ago,” pag-amin ng dalaga.

In fairness, malayo na nga ang narating ng KathNiel loveteam at masasabi na nga nating sila na ang pinakasikat na tandem ngayon sa local showbiz, with the success of their new movie “Crazy Beautiful You” na kumita na nga ng mahigit na P100 million.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending