HEART ipinagpalit daw si DANIEL MATSUNAGA kay SID LUCERO | Bandera

HEART ipinagpalit daw si DANIEL MATSUNAGA kay SID LUCERO

|May 17,2012
facebook
share this

HEART ipinagpalit daw si DANIEL MATSUNAGA kay SID LUCERO

- May 17, 2012 - 03:58 PM

Nu’ng Martes ng gabi rin ginanap ang presscon ng bagong primetime series ng GMA na Luna Blanca, ito ang papalit sa magtatapos nang Biritera.

Isa sa mga bida sa serye ay si Heart Evangelista.

In fairness, umapir naman si Heart sa press launch, kahit na nga may mga isyung kinasasangkutan ang aktres ay nagpakita pa rin ito sa media.

Unlike Raymart Santiago na ka-join din sa programa na talagang “no show” sa presscon.

Pero na-sad nga ang mga manunulat ang bigla na lang nawala si Heart pagkatapos ipakilala ang mga artistang kasali sa Luna Blanca.

Ayon sa ilang press baka raw umiwas si Heart na matanong tungkol sa kanila ni Sid Lucero, isa mga leading man niya sa teleseryeng Legacy.May mga chika kasi na si Sid daw ang isa sa mga dahilan kung bakit sila nagkalabuan ni Daniel Matsunaga.

Pero ayon naman sa mga taga-GMA, kailangan daw umalis agad ni Heart dahil babalik pa ito sa taping ng Legacy.

Patayan na raw kasi ang taping nila para sa nasabing primetime series dahil malapit na rin itong magtapos.

Well, kanya-kanyang drama lang ‘yan, kaya hayaan na natin sila, pagbigyan na natin kung ano ang trip nila sa buhay.

Kami, hindi kami naniniwalang may kinalaman si Sid sa hiwalayang Heart at Daniel, dahil mas gusto naming paniwalaan na ang pamilya talaga ni Heart ang may problema kaya sila naghiwalay ni Daniel Matsunaga. Agree?

Anyway, speaking of Luna Blanca, sa napanood naming trailer nito, mukhang makaka-jackpot na naman ang Kapuso network.

Tungkol ito sa magkapatid na magkaibang-magkaiba ang itsura – sina Luna at Blanca.

Si Luna ay ipinanganak na maitim na maitim na sinasabing anak ng engkanto habang si Blanca naman ay maputing-maputi na siyang magiging favorite ng kanilang inang si Rowena na gagampanan ni Camille Prats.

Gaganap bilang batang Luna at Blanca sina Jillian Ward at Mona Louise Rey, habang sina Bea Binene at Barbie Forteza naman ang gaganap na “tween” Luna at Blanca at sa kanilang pagdadalaga mapapanood naman sina Bianca King as Luna at Heart Evangelista as Blanca.

Bukod kay Camille Prats, kasama rin dito sina Raymart Santiago bilang ama nina Luna at Blanca, Dante Rivero, Chynna Ortaleza, Mercedes Cabral, Marissa Delgado, Buboy Villar, Arkin Magalona, Karen delos Reyes at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito’y sa direksiyon ni Dominic Zapata at magsisimula na sa darating na Lunes sa GMA TeleBabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending