Maja ayaw pakasalan si Gerald: Malabo pa yan! | Bandera

Maja ayaw pakasalan si Gerald: Malabo pa yan!

Ervin Santiago |March 02,2015
facebook
share this

Maja ayaw pakasalan si Gerald: Malabo pa yan!

Ervin Santiago - March 02, 2015 - 02:00 AM

gerald anderson

WALA pang balak magpakasal sina Maja Salvador at Gerald Anderson. Marami pa raw silang pangarap sa buhay para sa kani-kanilang sarili at sa kanilang mga pamilya.

Pero siyempre, nagdarasal si Maja na si Gerald na nga ang lalaking makakasama niya habambuhay. Sey ng Kapamilya actress, masayang-masaya sila ngayon ni Gerald dahil tahimik ang kanilang relasyon at walang masyadong pressure.

Noong nakaraang Valentine’s Day, hindi sila nakapag-celebrate ni Gerald na magkasama dahil nasa ibang bansa ang aktor, kaya idinaan na lang nila sa Instagram ang pagbati sa isa’t isa na ikinakilig ng kanilang mga kaibigan at fans.

“Meron kasi siyang flight going to Malaysia nu’n. So bago naman yun, nag-gym muna kami and lunch and then pumunta na siya ng airport,” kuwento ni Maja sa presscon ng Sisters Sanitary Napkin and Pantyliners.

Kinuha siya uli bilang endorser ng nasabing produkto dahil naniniwala sila sa kakayahan ni Maja bilang isa sa mga effective celebrity endorsers sa bansa.

Ayon sa ilang kaibigan at followers nina Gerald at Maja, napaka-cool daw ng kanilang relasyon dahil sa kabila nga ng mga pang-iintriga sa kanila noon ni Gerald ay napanatili nilang maayos ang kanilang samahan.

Pansin nga namin, ito na yata ang pinakatahimik na relasyon ng dalawa. Kaya naman natanong si Maja kung paano ba nila napapanatili ang kanilang maayos at tahimik na relasyon? “Sabi ko nga sa isang magazine interview ko na siguro isisikreto ko na lang. Ipagdadamot ko na lang yun,” tugon ng aktres.

Dito na sumunod na natanong si Maja kung napag-uusapan na nila ni Gerald ang kasal,  “Madami pa kaming plano sa buhay. May kanya-kanya pa kaming mga pangarap, individually, may kanya-kanya pa kaming gusto na marating…so malabo pa.”

Samantala, nagpapasalamat si Maja dahil nagpapatuloy ang swerte niya ngayong taon dahil bukod nga sa pagbabalik niya sa Sisters Sanitary Napkin and Pantyliners, malapit na ring ipalabas ang bago niyang seryeng Bridges of Love, at tinatapos na rin nila ang pelikulang “Still The One” kung saan makakasama niya si Dennis Trillo.

May nagtanong naman kay Maja na kung papipiliin siya sa mga youngstars ngayon sa showbiz, kanino siya nagagandahan? “A, local? Yung napapangiti talaga ako…

Iba kasi yung charming ni ano e, ni Sarah… Sarah Geronimo. Tapos si Miss Dawn Zulueta. “Actually, fan din naman ako ni Sarah, e. Lalo na yung loveteam nila ni John Lloyd (Cruz).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasi ‘pag nakikita mo siya, may iba siyang aura na naibibigay sa ‘yo na parang yung magaan lang,” sabi pa ni Maja. Anyway, inamin ni Aileen Go, may-ari ng Megasoft Company na sulit na sulit ang malaking talent fee na ibinayad nila kay Maja bilang endorser ng Sisters dahil bukod daw sa walang kaarte-arte ang aktres ay napakadali pa nitong kausap.

“We trust her capacity and capability bilang isang grown-up girl at bilang isang aktres. We salute her attitude and simplicity na siyang hinahanap namin sa isang endorser.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending