Marjorie nakipag-ayos na kay Claudine para labanan si Greta | Bandera

Marjorie nakipag-ayos na kay Claudine para labanan si Greta

Jobert Sucaldito |March 01,2015
facebook
share this

Marjorie nakipag-ayos na kay Claudine para labanan si Greta

Jobert Sucaldito - March 01, 2015 - 02:00 AM

marjorie barretto
MAY nabasa akong item sa isang newspaper a few days ago saying na si Inigo Pascual na ang final choice para maging last dance ng malapit nang mag-debut na si Julia Barretto this March.

Pero malinaw sa write-up na iyon na wala siyang first dance. Then, two days later ay kumalat na ang picture nina Julia at amang si Dennis Padilla in a sweet moment na ipinost daw ni bagets sa Instagram.

That photo trended – marami ang natuwa, di hamak na mas marami ang natuwa kaysa sa nam-bash. Kasi nga, ito ‘yung pagkakataong hinihintay ng lahat – ang pagpapakumbaba ni Julia at pakikipag-ayos sa papa niya.

We appreciate what she did actually. Kaya malamang na meron nang first dance si Julia, puwede na ang Papa Dennis Padilla niya, di ba? Mas exciting panoorin ang mag-ama dancing sa gitna on Julia’s most important day.

Sa palagay ko naman ay papayag si Marjorie Barretto. Kaya lang, medyo nakakalungkot lang isiping hindi makukumpleto ang pamilya ni Julia sa kanyang debut dahil balitang magkaaway na sina Marjorie and Gretchen at may chika pang iimbitahin yata nila si Claudine this time at etsapwera raw si Greta.

Dinig namin ay may balak na magsanib-puwersa sina Marjorie at Claudine laban sa ate nila, how true? Sa ganang amin lang naman, huwag na sana nilang paabutin sa ganyan.

We wish them peace and love, love, love. No win sila sa isyung ito. That’s something very domestic and very private na sana’y kanila na lang. Huwag na sana silang mag-away in public.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending