Luis: Wala akong balak mag-propose kay Angel sa TV! | Bandera

Luis: Wala akong balak mag-propose kay Angel sa TV!

Ervin Santiago |February 02,2015
facebook
share this

Luis: Wala akong balak mag-propose kay Angel sa TV!

Ervin Santiago - February 02, 2015 - 03:00 AM

luis manzano
WALANG planong magpakabongga sa kanyang proposal si Luis Manzano – alam daw kasi niyang mas trip ng kanyang girlfriend na si Angel Locsin ang isang simple, intimate but meaningful proposal.

Ayon sa TV host-comedian, hindi totoo ang chika na kumakalat sa social media na matagal na silang engaged ni Angel, pero inamin niyang seryoso na nilang pinag-uusapan ng Kapamilya actress ang pagpapakasal.

Sa presscon na ibinigay kay Luis ng Puregold bilang bagong endorser nila (para sa Puregold Perks card), masaya nitong ibinalita na nagiging malinaw na ang lahat para sa future nila ng kanyang partner.

Isa-isa na nilang napag-uusapan ang detalye ng kanilang paglagay sa tahimik.  “Two nights ago, we were having a simple dinner out, napag-uusapan namin.

In fact, nilalatag pa nga namin kung sino ang puwedeng kumanta sa wedding namin,” ani Luis nang makorner ng ilang reporter pagkatapos ng Puregold presscon.

“Nandoon kami sa point na ‘yon na, we were having dinner with her friends at pati sila, yung suot nila ay pinag-uusapan na nila,” dagdag pa ng binata.

Sabi nga ni Luis, “Kumbaga, things are starting to fall into place. We are starting to have a clearer picture kung ano ang gusto namin for the wedding.”

Hindi ba na-pressure si Luis dahil buong bayan ang naghihintay sa proposal niya kay Angel? “Ang proposal o pagpapakasal ay hindi parang damit na kapag uso, e, sumakay ka.

Sa akin, when I feel it’s the right time…When I feel it’s also the right time for her, then I would set it up na.” Siniguro naman ni Luis na magiging simple but memorable ang gagawin niyang proposal kay Angel, “The proposal itself, I would rather keep it private. Hindi ko naiisip gawin sa TV.

I believe it’s something very personal, something very sacred na mas maganda kung kayo na lang.” Anyway, todo-todo ang pasasalamat ni Luis sa Puregold dahil siya ang piniling mag-endorse ng Puregold Perks card na bagong regalo nga nila para sa mga consumers na walang sari-sari store.

Ngayon, kaliga na niya sina Vic Sotto at Joey de Leon bilang mga ambassador ng Puregold.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending