Horoscope, February 01, 2015 | Bandera

Horoscope, February 01, 2015

Madam Sophia |February 01,2015
facebook
share this

Horoscope, February 01, 2015

Madam Sophia - February 01, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Unang araw ngayon ng Pebrero. Magiging maganda ang buong buwan kung magsusuot ng kulay dilaw. Sa nasabing kulay, madadagan ang salapi habang sa pag-ibig lalong liligaya ang pagmamahalan. Mapalad ang 4, 19, 28, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.”

Aries – (Marso 21-April 19) Sa taong ito ng 2015 wag magpa-gamit sa ibang tao, sariling kapasyahan ang dapat na matupad upang kumita ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig, wag asahan ang kasuyong walang pangarap sa buhay. Mapalad ang 6, 13, 27, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Om.” Pink at magenta ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) Huwag kainggitan ang mga kapit bahay na umuunlad. Mas masarap at mas payapa ang isip ng may simple pero masayang pamilya. Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agne-Manu-Om.” Silver at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) Sa taong ito ng 2015 ugaliing mag-ipon kahit na may mga pagkakautang paring hindi nababayaran. Isipin mo, kahit magbayad ka hindi din mababawasan ang mga utang, ang mas mahalaga nadadagdagan ang iyong ipon. Mapalad ang 8, 17, 26, 33, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akyata-Purana-Om.” Green at brown ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) Kapag nakakita ka ng pagkakataong mapagkakaperahan, sunggaban mo agad! Sa pag-ibig, ikaw na ang magsimula upang uminit ang nanlalamig na kasuyo. Mapalad ang 7, 16, 25, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Green at beige ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) Sa taong ito ng 2015 ibigay ang the best sa anomang ginagawa upang mas mabilis na umunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig, pasalamatan ang kasuyo dahil sa kabila ng marami kang utang mahal ka parin niya. Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 48 ang buenas. Mahiwaga mong manrta: “Yod-He Vau-Weh.” Yellow at blue ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) – Ngyong taong ito ng 2015 umpisahan na ang kalakal na may kaugnayan sa pagkain upang kumita ka ng malaking halaga. Sa darating na araw ng mga puso, bitbitin ang kasuyo sa isang romantic na lugar. Mapalad ang 7, 18, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Om-Artam” Blue at red ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) – Sa taong ito ng 2015 habang gumanda ang pasok ng pera, laging alalahanin ang malawakang pagtitipid at pagiipon. Sa pag-ibig, isang katabi mong naka-kulay asul ang may lihim sayong pagnanasa. Sa araw ng mga puso isang romantikong relasyon ang mabubuo. Mapalad ang 7, 16, 22, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Agla-Om.” Green at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) – Iwasan ang pagiging maangas at ma-epal upang hindi ka mapahamak. Sa taong ito ng ito ng 2015 itigil na rin ang labis na pangungutang kung hindi naman kayang mag-bayad. Mapalad ang 2, 17, 26, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ayena-Patrenan-Om.” Gold at orange ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) – Konsentrasyon sa iisang larangan lang ang dapat. Sa pag-iibig, ipagpatuloy ang pagiging tapat sa kasuyong Aries. Mapalad ang 7, 18, 23, 28, 32, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om-Kirata.” Green at orange ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) – Ang pagiging maunawain ang susi ng tagumpay. Unawain lagi ang mga kausap, sila din ang magbibigay sayo ng malaking halaga ng salapi. Sa pag-ibig, kapag hindi inunawa ang kasuyo, magtatalo na naman kayo at muling magkakagalit. Mapalad ang 1, 10, 28, 34, 36, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Grehan-Om.” Red at pink ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) – Sa pag-ibig, ituloy ang binabalak na pakikipag-date sa kasuyo, upang pagdating ng Araw ng mga Puso lalo pahng mag init ang inyong pagmamahalan. Magpasalamat rin kay Lord, dahil sa kabila ng mabibigat na pagsubok nakakaya mo ring mabuhay at magpatuloy. Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 48 ang buenas. Mahiwaga mong manrta: “Yod-He Vau-Weh.” Yellow at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) – Hindi masamang magpakabait, pero ang masama ay ang magpauto! May babala na isa na namang nagbabait-baitang kakilala ang mangungutang at manloloko sa iyo. Sa pag-ibig, hanggat hindi ka nagpapakatotoo walang true love na darating. Mapalad ang 6, 15, 21, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shati-Pad-Me-Om.” Blue at silver ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending