Kris inisnab sa lamay ng SAF44 | Bandera

Kris inisnab sa lamay ng SAF44

Ambet Nabus |January 31,2015
facebook
share this

Kris inisnab sa lamay ng SAF44

Ambet Nabus - January 31, 2015 - 03:00 AM

kris aquino
MAPAIT na ngiti lang daw ang naisukli kay Kris Aquino ng mga kaanak at kaibigan ng mahigit 40 miyembro ng PNP-SAF na napatay sa Maguindanao tragedy kamakailan.

Balita kasing pumunta si Kris kasama pa si Ai Ai delas Alas noong Huwebes ng gabi sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City upang makiramay sa mga inulila ng tinaguriang SAF44 na nagbuwis ng buhay para hulihin sa isang operas-yon ang isang international terrorist.

Noong Huwebes ng gabi nga dumating ang 42 kabaong sa Camp Bagong Diwa mula sa Mindanao at sa gitna nga ng pagdadalamhati ng sambayanan ay bigla na lang daw nagpakita roon sina Kris at Ai Ai.

Sabi pa raw ng TV host, “Ipinaalam ko talaga sa kuya ko kung pwede akong pumunta dito dahil alam ko din kung ano ang pinagdadaanan nila dahil nangyari sa akin yan dahil nawalan ako ng mahal sa buhay sa isang marahas na paraan at ipinaabot ko lang talaga ang pagsisimpatya at pagdarasal.”

Sabi naman ni Ai Ai nang mainterview ng ilang kasamahan sa hanapbuhay, “Yung mga heartches ng nanay medyo naluha luha ako nanay din ako alam ko ang pain na mawalan ng anak.”

Pero gaano nga katotoo ang nakarating sa amin na naging malamig ang pagtanggap ng mga naroon kay Kris na diumano’y nagpipigil lang sa kanilang emosyon matapos nga na isnabin ng Pangulong Noynoy Aquino ang arrival honors para sa mga nasawing pulis.

Nang mag-dialogue nga raw si Kris na pinatay din sa marahas na paraan ang kanyang amang si Ninoy Aquino at alam niya ang feeling ngayon ng mga namatayan, may mga nag-react daw na kung totoo man ang sinabi ng TV host ay bakit wala roon ang kanyang kapatid na Pangulo at Commander-in-chief pa naman ng bansa?

May tsismis ding inisnab si Kris ng ilang mga kaanak niya (sa Cojuangco side) na naroroon din at nakikidalamhati.
Kahapon, napanood namin ang necrological services para sa SAF44 at namataan din namin doon ang dalawa pa sa mga sisters nina Kris at Pangulong PNoy.

Wala lang kaming nasagap na tsismis kung nakaranas din sila roon “very cold” treatment mula sa mga pamilya at kaibigan ng namatayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending