Karla sa milyones na kinikita ni Daniel: kanya lahat yun! | Bandera

Karla sa milyones na kinikita ni Daniel: kanya lahat yun!

Ervin Santiago |January 29,2015
facebook
share this

Karla sa milyones na kinikita ni Daniel: kanya lahat yun!

Ervin Santiago - January 29, 2015 - 03:00 AM

karla estrada
Nilinaw ni Karla Estrada ang tsismis na walang kaalam-alam si Daniel Padilla sa kinikita niya sa pag-aartista. Very open daw sila ng kanyang anak pagdating sa isyu ng pera.

“Kanya lahat ‘yon,” sagot ni Karla sa tanong ni Kris Aquino sa Kris TV kahapon tungkol sa “mandatory savings” ni DJ.
“Siyempre kapag nag-uumipisa, may mga gusto tayong gawin in preparation…ang pinaka-importante ay bahay.

Next, negosyo kasi kailangan mo din ng income, so ‘yung dalawa lang ‘yon. Tapos na kami sa bahay, next ‘yung is yung negosyo na inaayos natin tapos okay na, kasi wala ka na namang ibang kailangan,” esplika pa ng nanay ni Daniel.

Halos araw-araw daw ay pinasasalamatan ni Karla ang anak dahil aminado siya na kung hindi dahil kay Daniel ay hindi nila tinatamasa ang napakagandang buhay nila ngayon, “Kaya tumatakbo ‘yon nandidiri siya sa drama ng mga mommy.

Kapag sinasabi ko, ‘Anak, maraming salamat sa lahat nang ibinigay mo sa akin at mga kapatid mo,'” ani Karla. “Si Daniel na ngayon na ang sumalo nang ginagawa ko for 30 years so napahinga ako.

Kaya masayang masaya ‘yon si Daniel kapag nakikita niyang nasa bahay ako pakuya-kuyakoy, happy siya. ‘Yun ang sinasabi niya sa nakapalibot sa kanya ‘happy ako si mommy nakakapag-relax.’

“Napaka-spoiled ko sa kanya at talagang sinasabi ko sa kanya na anak hindi ako nag-aalala na mawala (ang yaman) anytime because I know how generous you are hindi mo pababayaan lahat yon,” hirit pa ng dating sexy actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending