Ex-girlfriend ni Jake Ejercito bagong dyowa ni Jake Cuenca | Bandera

Ex-girlfriend ni Jake Ejercito bagong dyowa ni Jake Cuenca

Reggee Bonoan |January 25,2015
facebook
share this

Ex-girlfriend ni Jake Ejercito bagong dyowa ni Jake Cuenca

Reggee Bonoan - January 25, 2015 - 03:00 AM

jake cuenca
MAHILIG ba sa pangalang Jake ang ex-girlfriend ni Jake Ejercito na si KC del Rosario?

Kaya namin ito naitanong ay dahil si Jake Cuenca naman daw ang nakakasama ngayon sa gimikan ni KC. Isang litrato kasi ang naipost sa Instagram kung saan makikitang magkasama sina KC at Jake sa Valkyrie bar.

Halos iisa nga ang komento ng netizens na nakakita sa IG post ni Jake, “Mahilig sa JAKE si KC.” At may nagsabi ring, “Panibagong flavor?”

Pero kuwento naman ng kakilala namin ay matagal nang magkakilala ang dalawa dahil lagi silang nagkikita sa mga party at sa pagkakataong iyon lang daw siguro nagkaroon ng tsansang magsama sina Jake at KC.

Naku bossing Ervin, kailangan buuin na ang pangalang Jake Cuenca para hindi malito ang mga tao, lalo na kapag nasusulat ang tungkol sa kanila ng ex ni Jake Ejercito.

Iisa rin ang tanong namin, tulad ng tanong namin noon kay Jake Ejercito, hindi ba busy si KC sa buhay niya – hindi ba siya nag-aaral at puro gimik at lalaki rin ang nababalita tungkol sa kanya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending