JM de Guzman type makipagbalikan kay Jessy | Bandera

JM de Guzman type makipagbalikan kay Jessy

Ervin Santiago |January 25,2015
facebook
share this

JM de Guzman type makipagbalikan kay Jessy

Ervin Santiago - January 25, 2015 - 03:00 AM

jm de guzman
KUNG mabibigyan ng pagkakataon, gusto pa rin ni JM de Guzman na magkabalikan sila ng kanyang ex-girlfriend na si Jessy Mendiola.

Sa kabila ng kontrobersiyang kinasangkutan ni JM noong nakaraang taon, naging mabuting kaibigan pa rin daw sa kanya si Jessy at nararamdaman naman niya na sincere ang Kapamilya actress sa pag-aalala sa kanya.

Sey ng aktor, hindi na naputol ang komunikasyon nila ni Jessy simula nang sorpresahin siya nito sa kanyang birthday noong September, 2014. Kaya nga ang hindi naging magandang break-up nila ni Jessy noon ay ibinaon na niya sa limot.

Sa presscon kamakailan ng pelikula nila ni Angelica Panganiban na “That Thing Called Tadhana” naging bukas si JM sa pagkukuwent tungkol sa relasyon nila ngayon ni Jessy matapos nga ang kanilang kontrobersiyal na paghihiwalay noon.

Sey ni JM, nagkikita pa rin sila ni Jessy kapag may oras kasama ang kanilang common friends, pero wala pa naman daw balikang nangyayari. Ang mahalaga raw ay naibalik ang magandang pagkakaibigan nila.

Dito rin inamin ng aktor na posible namang magkabalikan sila ni Jessy kung ‘yun daw talaga ang itinadhana sa kanila. At kung magkakaroon man ng part two ang kanilang love affair, siguro raw ay mas mature na sila pareho ngayon at mas marunong na silang humawak ng relasyon.

“Siguro noon, maraming complications, mga bata pa kami pareho. Pero ngayon, hindi naman sa pinaplano ko or ina-assume. Siguro ‘yun ang naging kulang din sa amin dati.

Hindi naging solid ‘yung friendship. So, walang foundation. Naging kami agad. Parang ganu’n,” paliwanag pa ni JM.
Ipinangako naman daw niya sa sarili na hinding-hindi na niya hahayaang makasira sa kanyang career ang personal life tulad ng nangyari noon sa kanya.

“Naniniwala po ako na ‘yung nangyari sa akin lahat made me stronger. ‘Yun naman dapat. You learn a lot, kaya ngayon mas marunong ka nang hawakan o kontrolin yung emosyon mo para hindi maapektuhan ‘yung trabaho mo at ‘yung mga taong sumusuporta sa iyo,” esplika pa ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending