Warning ng manghuhula: Sarah mag-ingat sa stage, lapitin ng aksidente | Bandera

Warning ng manghuhula: Sarah mag-ingat sa stage, lapitin ng aksidente

Ervin Santiago |January 04,2015
facebook
share this

Warning ng manghuhula: Sarah mag-ingat sa stage, lapitin ng aksidente

Ervin Santiago - January 04, 2015 - 03:00 AM

sarah geronimo

TULUY-TULOY pa rin ang swerte sa showbiz career ni Sarah Geronimo sa pagpasok ng 2015.

Hanggang ngayon ay nagpipiyesta pa rin ang milyun-milyong Popsters sa pagkakapili kay Sarah bilang isa sa mga Disney Princess. Si Sarah ang maswerteng gaganap bilang Rapunzel sa Disney Channel Asia’s “#12 Days of Princess.”

Ayon sa Disney Channel Asia, pumili sila ng “12 beautiful stars from around Southeast Asia” na magiging bahagi ng sorpresang proyektong ito para sa lahat ng mga followers and supporters ng Disney.

Kumalat agad sa social media ang pagkakapili kay Sarah, at isa nga sa mga napanood namin ay ang behind-the-scene pictorial ng 12 Disney Princesses, kabilang na nga riyan si Sarah bilang si Rapunzel na mula sa Disney animated film na “Tangled”.

Maririning pa nga sa video ang tawanan ng nasa pictorial nang sabihan ng photographer ang singer-actress ng, “Think of your boyfriend or something!” habang kinukunan siya ng litrato.

Tinuksu-tukso rin ang girlfriend ni Matteo Guidicelli tungkol sa kanyang lovelife na sinuklian lang ni Sarah ng kanyang magic bungisngis.

Sa isang interview sa Pop Princess, sinabi nitong paborito niya talaga si Rapunzel dahil sa mahabang hair nito. “My favorite princess is Rapunzel. She is locked up in this tower.

And some of us are locked up or imprisoned by our own fears, worries, (and) insecurities in life. Rapunzel showed courage and determination to get out of it and discover her true identity, her true family, her own strengths, and of course love,” pahayag ni Sarah sa nasabing panayam.

Kung matatandaan, in-announce rin ng Disney Asia ang pagkakapili kay Kim Chiu bilang isa sa 12 Disney Princess – si Mulan.
Samantala, may isang astrologer naman ang nanghula na lapitin ng disgrasya ngayong 2015 si Sarah.

Kailangan daw mag-ingat ang Pop Princess sa pagpe- perform lalo na sa matataas na stage. Posible raw kasing mahulog o madapa o matapilok si Sarah na maaaring pagmulan ng aksidente.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinag-iingat din ang singer-actress sa pakikitungo sa ibang tao dahil maaari siyang mabiktima ng mga mapagsamantala. Pero sa kabuuan, magiging maganda pa rin ang takbo ng kanyang career at personal na buhay.

Para naman sa boyfriend nitong si Matteo Guidicelli, marami raw opportunities ang darating sa career ng binata, marami rin daw business ventures na papasukin si Matteo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending