Sarah nagpatikim ng kaseksihan: Varsity Players tulala...naglaway | Bandera

Sarah nagpatikim ng kaseksihan: Varsity Players tulala…naglaway

Ambet Nabus |January 03,2015
facebook
share this

Sarah nagpatikim ng kaseksihan: Varsity Players tulala…naglaway

Ambet Nabus - January 03, 2015 - 03:00 AM

sarah geronimo
MARAMI kaming narinig na bonggang comment tungkol sa naging performance ni Sarah Geronimo noong mag-New Year countdown concert ito sa Eastwood, Libis Q.C..

Bukod daw sa nag-uumapaw ang kagandahan at kaseksihan ng aktres-singer-TV host, nakakahawa rin daw ang pagiging super in-love nito.

Ayon sa mga nagpunta sa nasabing event at nag-enjoy sa pagsalubong sa 2015, malayong-malayo raw ang dating Sarah Geronimo sa napanood nila that night.

Sey nga ng isang nakausap namin, “She was so sexy, alam mong mature na ang level ng kanyang performance, pero magka-crush ka pa rin sa kakikayan niya. And she can hold herself even with the most affluent audience.

Talagang she’s the best sa liga niya.” In fact kapatid na Ervin, maraming grupo ng mga kalalakihan sa naturang okasyon na hindi nakapagpigil na magpahayag ng kanilang damdamin kay Sarah na humataw sa pagkanta at pagsayaw on stage.

Talagang nagpalakasan daw ang mga ito ng pagsigaw ng “I love you” sa Pop Princess at aagawin daw nila ang dalaga kay Matteo Guidicelli. Ha-hahaha!

“Nakakaaliw. And take note, kahit yung mga varsity players ng basketball na nandoon din ay game na game sa pagsamba sa kagandahan ni Sarah,” hirit pa ng kausap namin.

Well, kahit pa nga may mga prediction for 2015 na nagsasabing hindi mauuwi sa mas seryosong level ang relasyon nina Sarah at Matteo, mas naniniwala kami na itinadhana ang dalawa para sa isa’t isa at feeling namin magle-level up pa ang relasyon nila this year.

Huwag lang talaga silang pakialaman ng mga outside forces. Ha-hahahahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending