Aasenso na ba sa 2015? | Bandera

Aasenso na ba sa 2015?

Joseph Greenfield |December 29,2014
facebook
share this

Aasenso na ba sa 2015?

Joseph Greenfield - December 29, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Ms.  Cancer ng Happy Homes  Centro, Daet, Camarines Norte
Dear Sir Greenfield,
Ako po ay tapos ng kursong IT, may asawa at dalawang anak. Bakit po hanggang ngayon sa edad kong 33 years old na sa ngayon ay hindi pa rin po stable ang career ko. Ibig sabihin may gusto pa akong makamit sa buhay pero lagi naman akong bigo. May trabaho po ako sa ngayon pero di ako masaya, at nahihirapan ako kasi saktong-sakto lang sa aming pangangailangan ang suweldo ko. Puwede nyo po ba akong bigyan ng advice o dapat gawin para guminhawa naman ang buhay naming at tuloy-tuloy na akong umasenso lalo na sa taong ito ng 2015? Minsan ay iniisip ko rin pong mag-abroad, makapagta-travel po ba ako at uunlad kaya ako sa pangingibang bansa? July 5, 1981 ang birthday ko.
Umaasa,
Ms. Cancer ng Daet, Camarines Norte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, sigurado na ang magaganap, sa ayaw at sa gusto mo makapag-aabroad ka at sa ibayong dagat isang mabunga at mabiyayang kapalaran ang iyong mararanasan.
Cartomancy:
Ang Queen of Diamonds, Five of Clubs at Ace of Diamonds ang nagsasabing sa susunod na taong 2015, sa edad mong 34 pataas, magsisimula ka ng umunlad at umasenso sa mga bagay na may kaugnayan sa material na bagay.
Itutuloy…     

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending