Mansion ni Coco may sinehan, bar, gym at bonggang garden | Bandera

Mansion ni Coco may sinehan, bar, gym at bonggang garden

Ervin Santiago |December 26,2014
facebook
share this

Mansion ni Coco may sinehan, bar, gym at bonggang garden

Ervin Santiago - December 26, 2014 - 03:00 AM

COCO MARTIN

COCO MARTIN

GANDANG-GANDA si Kris Aquino sa “sinehan” sa loob ng bahay ng Teleserye King na si Coco Martin. Ipinagpatuloy ni Kris kahapon ang paglilibot sa mansion ni Coco at dito nga nakita ng madlang pipol kung gaano talaga kalaki at kaganda ang nasabing property ng aktor.

Ayon kay Coco, hindi talaga siya mahilig maglalabas ng bahay kaya nagpagawa siya ng sariling home theater sa ipinatayo niyang bahay kung saan pwede silang mag-bonding ng kanyang pamilya sa pamamagitan ng panonood ng pelikula.

Sey ng Kapamilya leading man, talagang hands-on siya habang ginagawa ang sariling sinehan, siya rin ang nag-design nito.

Dito rin niya idinispley ang lahat ng kanyang acting awards.

Bukod dito, pumayag din si Coco na ipakita sa viewers ng Kris TV ang napakaganda niyang bar sa bahay. Ito ang ginagamit ni Coco kapag nagho- host siya ng party sa kanyang mga kapamilya at mga kaibigan.

Sey ni Kris, malaki ang pagkakahawig ng bar ni Coco sa mansion sa sikat na Opus Club dahil sa ambience nito. Chika ni Coco, nagpatayo siya ng sariling bar dahil nga hindi siya ang tipo ng taong laging nasa party o gimikan.

Bago ito, maraming nainggit sa sarili ring gym ng aktor sa bahay, bukod kasi sa steam room nito, meron din doong core kinesis machine, “Mayroon ka rin (core kinesis) ang taray mo naman. Mahal ito, ha!” ani Kris?

Pero sa lahat ng bahagi ng bahay ng aktor, ang pinakagusto namin ay ang kanyang swimming pool at malawak na garden na merong fountain at Koi pond. Bongga rin ang mga outdoor seat and table roon dahil gawa ito ng sikat na Filipino designer na si Kenneth Cobonpue.

“Well, naisip ko kung garden lang siya eh napi-plainan ako, naisip ko bakit hindi maglagay ng (upholstery). Ako pumili at mamimili ka ng combination,” sey ni Coco.

In fairness, talagang dugo’t pawis ang ipinuhunan ni Coco bago niya naipatayo ang nasabing mansion para sa sarili niya at sa kanyang pamilya. Saksi naman ang buong mundo kung paano siya nagtrabaho para makapagpatayo ng ganu’ng kalaki at kagarang bahay. Gusto kasi ni Coco na magkakasama pa rin sila ng kanyang pamilya kaya ang ginawa niya, bumili siya ng napakalaking lote at doon ipinatayo ang isang “compound” kung saan itinayo isa-isa ang kanyang mansion at ang bahay para sa mga magulang at kapatid.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending