Relasyong Charice-Alyssa aprubado na ni Aling Raquel | Bandera

Relasyong Charice-Alyssa aprubado na ni Aling Raquel

Cristy Fermin |December 24,2014
facebook
share this

Relasyong Charice-Alyssa aprubado na ni Aling Raquel

Cristy Fermin - December 24, 2014 - 03:00 AM

charice pempengco
Sa hinaba-haba man ng prusisyon…bati na ngayon ang mag-inang Aling Raquel at Charice Pempengco. At damay sa kanilang pagkakasundo ang karelasyon ng international performer na si Alyssa Quijano.

Magkakahawak-kamay pa silang nagpakuha ng picture na para bang walang anumang kuwento ng hindi pagkakaunawaan nu’n sa kanilang tatlo.

Ang pangyayaring ito ay isang buhay na halimbawa na kapag magkakadugo ang nagkakaroon ng alitan ay mahirap talagang kumampi. Magsalita man sila nang masasakit habang may away sila, kinabukasan ay magkakadugo pa rin ang mga nagtatalakan, magkakasundo sila at maiiwan sa gitna ng laban ang mga kumampi sa alinmang panig.

Ayon kay Aling Raquel ay wala na itong magagawa, kung talagang kay Alyssa maligaya ang kanyang anak, sino naman ito para humarang?

Sabi naman ni Charice ay masaya nilang ipagdiriwang ang Pasko dahil tapos na ang problema nila ni Alyssa sa kanyang pamilya, mahal na mahal daw ni Aling Raquel ang kanyang girlfriend, para nga raw lumalabas na siya pa ang ampon ngayon at si Alyssa ang tunay na anak ng kanyang mommy.

Hindi pa raw sila handa ni Alyssa sa pagpapakasal, tingnan na lang daw natin kung hahantong din sila sa naging desisyon nina Aiza Seguerra at Liza Diño, abangan na lang natin ang pagdedesisyon ni Charice Pempengco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending