Horoscope, December 24, 2014 | Bandera

Horoscope, December 24, 2014

Madam Sophia |December 24,2014
facebook
share this

Horoscope, December 24, 2014

Madam Sophia - December 24, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon:  Pasko na mamayang gabi! Magiging masaya at mapalad ang pagdiriwang ng kaarawan mong ito at maging sa buong taon ng 2015 kung sisimulan sa panalangin at sa panalangin din tapusin iyong birthday. Mapalad ang 3, 15, 24, 34, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum Amara-Ananda-Marga-Om.” Violet at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Magsuot  ng kulay red na damit, makikita mo, susuwertehin ka sa salapi at pag-ibig. Mapalad ang 6, 15, 27, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Roses are red, violets are blue, sugar is sweet, and so are you.” Bukod sa red, buenas din ang violet.

Taurus – (April 20-May 20)—Ngayon palang pagandahin na ang style ng iyong buhok. Sa bagong hilatsa ng pagmumukha, mas madali mong mahihigop ang susuwerteng at magandang kapalaran ngayong kapaskuhan at sa nalalapit na Bagong Taon. Mapalad ang 4, 18, 27, 37, 46 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Agla-Om.” Orange at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Itaas pa ng itaas ang pangarap, dahil sa susunod na taong 2015 ang lahat ng iyan ay isa-isa mo ng maaabot. Sa sa susunod na taon may pangako ng mas maunlad at mas maligayang karanasan. Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 36, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arjuna-Om.” Orange at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Pasko na mamayang gabi. Mainam mag-simba at pagkatapos, sabay-sabay kayong pamilya na mag-noche buena. Bukas samahang mamasko ang mga bata upang makaipon sila ng aguinaldo. Alalahanin mong minsan karing naging bata. Mapalad ang 5, 14, 29, 31, 33, at 41. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Tarah-Jawalah-Om.” Silver at pink ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Sa taong papasok wag panghimasukan ang suliranin ng iba. Umiwas sa pakikipag-tsismisan. Sa pag-ibig, ikaw ang lihim nilang pinaguusapan, walang ibang dahilan – lihim silang humahanga sa iyo. Mapalad ang 3, 14, 27, 33, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Yellow at violet ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Gawing kalugod-lugod ang pagta-trabaho.  Kung masaya ka sa ginagawa mo, mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, kung kapwa kayo happy ng kasuyo, mas maraming suwerteng darating. Mapalad ang 6, 17, 24, 30 35, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Saguna-Santura-Om.” Green at lilac ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Sobrang busy ang araw na ito. Iwasang magpakapagod ng todo at umiwas din sa mamantika at nakaka-high blood na pagkain. May babala ang karamdama. Sa lahat ng ginagawa hinay-hinay lang dapat. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra: Aum-Kaleneha-Om-Mahatha.” Pink at lilac ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Habang pinagbubuti ang iyong ginagawa lalo kang kikita ng limpak-limpak na salapi. Sa pag-ibig, hindi puwede ang makaraos lang, kailangang mapaligaya mo ng husto ang iyong kasuyo. Mapalad ang 7, 16, 19, 28, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Gray at red  ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Madali lang ang paraan para magkapera! Magdidikit sa kaibigang Aries, siya ang magbibigay sayo ng malaking halaga. Sa pag-ibig, sa isang Leo matatagpuan ang true love. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om.” Pink at beige ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Maraming lihim na naiingit sayo, pero hindi sila dapat na pansinin. Ituloy mo lang ang nasimulang pagtitipid. Sa pag-ibig, okey lang na kuripot, ang mas mahalaga, may isang masaya at masaganang pamilya. Mapalad ang 2, 19, 28, 33, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Gosvani-Om.” White at purple  ang buenas.

 Aquarius – (January 20 – February 18)— Sa taong 2015  mainam magsimula ng bagong pagkakaperahan, kaysa patuloy na nag-aabang sa wala. Sa pag-ibig, ipakita sa minamahal na nagsisikap kang yumaman para hindi ka nya iwanan. Mapalad ang 6, 15, 24, 28, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Umali-Om”. Gold at orange ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Tanggapin ang inaaalok na paglalakbay ng isang kaibigan. Sa malayong lugar, matatagpuan ang kapayapaan ng isip at ang matagal mo nang hinahanap na true love. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum- Padha-Bhuti-Om.” Blue at beige ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending