Buking na: KC, Paulo super in love sa isa't isa | Bandera

Buking na: KC, Paulo super in love sa isa’t isa

Reggee Bonoan |December 24,2014
facebook
share this

Buking na: KC, Paulo super in love sa isa’t isa

Reggee Bonoan - December 24, 2014 - 03:00 AM

paulo avelino
HINDI magkasama sina KC Concepcion at Paulo Avelino sa bisperas ng Pasko dahil para sa aktor ay pamilya ang dapat na kasama ng Kapamilya award-winning actress.

“Ano po, hundred percent po kasi kapag Christmas season is always about family so mahirap din namang imbitahan si KC for Christmas kasi siyempre gusto ko, makasama rin niya ang family niya,” seryosong sabi ni Paulo sa presscon ng first project nila ni KC sa telebisyon, ang ikatlong episode sa Give Love On Christmas na Exchange Gift.

Tinukso ng press ang aktor kung hindi ba niya iimbitahan si KC for Christmas dinner kaya pasimpleng nagtanong si Paulo sa dalaga ng, “Gusto mo bang mag-Pasko?” kaya hiyawan ang lahat ng nasa prescon.

At ang sagot naman ng dalaga, “Ipaalam natin sa nanay (Sharon Cuneta) ko.” Hirit uli  ni Paulo, “Christmas is always about family.”

Pero mukhang hindi rin puwede si KC dahil baka tulungan niyang maghanda sa kanila si Mega.  Kaya tinanong din kung anong plano ng dalaga.

“Si mama po kasi from the beginning, plano niyang mag-abroad, kaso it’s our first year without Mita (Mommy Elaine Cuneta) so, ayaw niyang ma-remember, so we decided na mag-stay nalang para marami kaming kasama at kung gusto ba naming pumunta kina tita Helen (Gamboa) sa White Plains or sa Pangilinans, ganyan.

At least marami kaming kasama, hindi masyadong malungkot kung sakaling maisip namin ‘yung lola ko. “So, we’ll be here for Christmas, baka tulungan ko na lang si mama maghanda kasi wala talaga siyang pina-plan for Christmas hanggang ngayon, so isa ‘yun sa mga iniisip kong gawin din na lang, ako na lang mag-asikaso,” anang aktres.

Sabi naman ni Paulo sa plano niya ng Pasko, “Christmas hindi ko pa po sure kung aakyat ako ng Baguio or dito lang.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending