Daniel milyones na ang kinikita sa mga piyestahan; Karla wais sa pera | Bandera

Daniel milyones na ang kinikita sa mga piyestahan; Karla wais sa pera

Cristy Fermin |December 23,2014
facebook
share this

Daniel milyones na ang kinikita sa mga piyestahan; Karla wais sa pera

Cristy Fermin - December 23, 2014 - 03:00 AM

karla estrada
Positibo ang komento ng marami tungkol sa ginagawang pag-iingat ni Karla Estrada sa kinikita ng anak niyang si Daniel Padilla na kinikilala ngayon bilang pinakasikat na heartthrob.

Malakas kumita si Daniel, isang simpleng imbitasyon lang sa mga fiesta ay daang libo na ang talent fee ng young actor-singer, kapag full concert naman ay milyon na ang kanyang talent fee.

Iba pa du’n ang mga shows niya sa ibang bansa na milyunan din ang halaga, panahon talaga ngayon ni Daniel Padilla, isang oportunidad na kailangang alagaan ni Karla Estrada.

At in fairness, walang bisyo ang aktres, talagang nahahawakan niya nang maayos ang mga kinikita ng kanyang anak, napupunta ‘yun sa mga makabuluhang bagay.

May bahay na sila ngayon sa isang subdivision, may magagandang sasakyan na rin ang young actor na hindi naman pangranatsa, kundi kailangan nito sa kanyang trabaho.

Alam ni Karla ang katotohanan na hindi lahat ng panahon ay puwedeng angkinin ng kanyang panganay, weather-weather lang ang pagsikat, bukas-makalawa ay may iba na namang sisikat at ang mga nauna ay medyo lalamlam na ang career.

Si Karla Estrada ang nagmamaniobra sa mga kinikita ni Daniel, magaling siyang humawak, alam niya na darating din ang panahon na ang mga biyaya ay dadalang pero ang mahalaga ay nakapagpundar at nakapag-ipon na sila para sa kinabukasan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending