Hiling ni Derek: Ipagdasal ang amang may sakit | Bandera

Hiling ni Derek: Ipagdasal ang amang may sakit

Ambet Nabus |December 23,2014
facebook
share this

Hiling ni Derek: Ipagdasal ang amang may sakit

Ambet Nabus - December 23, 2014 - 03:00 AM

derek ramsay
Still on papa Derek Ramsay, worried na worried pala ang pamilya nila sa kundisyon ng kanyang ama ngayon na nag-a-undergo ng ilang medical and diagnostic tests matapos itong ma-stroke kamakailan.

“Ang tigas kasi ng ulo,” ang may halong takot at concern sa tinig ni papa D habang kausap namin sa phone para sa aming DZMM program.

At 70 plus years old ay sobra pa palang active ang daddy niya sa mga outdoor activities gaya ng olf, hiking, bukod pa hilig nitong magbiyaheng mag-isa at pakain ng mga bawal.

May mga ginagawa pa raw na tests para masuri ang iba pang posibleng sanhi ng pagkakasakit kaya humihingi ang aktor-TV host ng panalangin sa kanyang mga supporters at kaibigan para sa mabilis na paggaling ng ama.

Napag-usapan din namin ang pagiging malamig ng kanyang Pasko this year dahil wala nga siyang BF at wala ring dine-date, “Wala man lang ngang mayakap,” sey ng hunk actor.

“Kilala ninyo naman ako. Pagdating sa ganyang bagay (lovelife), laging nalalaman ng mga tao at nakikita n’yo rin sa akin kaya mahirap itago,” hirit pa ni papa Derek na by 2015 nga ay gagawa raw ng movie under Star Cinema.

“Yeah, I already read the script at nakaka-excite,” pahabol pa nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending