Blu Boys tinisod ang host Singapore, 5-2 | Bandera

Blu Boys tinisod ang host Singapore, 5-2

Mike Lee |December 20,2014
facebook
share this

Blu Boys tinisod ang host Singapore, 5-2

Mike Lee - December 20, 2014 - 03:00 AM

TINALO ng Philippine Blu Boys ang host Singapore, 5-2, para makatiyak ng hindi bababa sa ikatlong puwestong pagtatapos  sa 2014 Asian Men’s Softball Championship sa Kallang Softball Diamond, Singapore.

Ang laro  ay isa sa dalawang nakalaan  sa Page System semifinals noong Huwebes. Tinalo  ng nagdedepensang kampeon Japan ang Indonesia, 4-0, sa isa pang laro.

Ang panalo ng Japan ay nagtulak sa koponan para umabante na sa finals at hihintayin nito ang mananalo sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia. Ang huling dalawang laro ay gagawin ngayong araw sa pagtatapos ng kompetisyon.

Ginagamit din ang kompetisyon bilang   qualifier para  sa 2015 World Softball Championship at  aabante ang Japan, Indonesia at Pilipinas  sa kompetisyon  sa Canada mula Hunyo 26 hanggang Hulyo 5.

Gayunman, puntirya pa rin ni Philippine coach Isaac Bacarisas na makapasok sa finals at gulatin ang Japan.Ang Pilipinas ay may 3-2 karta at isa sa tumalo sa kanila ay ang Indonesia sa dikitang iskor na 9-8.

Natalo rin ang Blu Boys kontra Japan, 15-0. Kasali rin sa Asian Men’s tournament ang Singapore (2-3), Brunei (1-4) at Pakistan (0-5).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending