Coco malaki ang respeto kay P-noy kaya labs na labs ni Kris | Bandera

Coco malaki ang respeto kay P-noy kaya labs na labs ni Kris

Reggee Bonoan |December 13,2014
facebook
share this

Coco malaki ang respeto kay P-noy kaya labs na labs ni Kris

Reggee Bonoan - December 13, 2014 - 03:00 AM

kris aquino
MATATANDAANG nasulat namin dito sa BANDERA na puring-puri ni Kris Aquino si Coco Martin hindi lang pagdating sa pag-arte kundi pati na rin sa pagharap sa mga kontrobersiyang ibinabato sa kanya.

Inamin ni Kris na sobrang napapahanga siya ni Coco dahil sa sobrang kasipagan nito, bukod pa sa walang kaere-ere ang binata kahit na nga tinagurian na siyang Teleserye King ng ABS-CBN.

“He’s the best! Tinext ko yun sa kanya. Sabi ko, ‘thank you for sharing your brilliance with me.’ Hindi ko na kailangang dagdagan, sobrang galing niya talaga.

Hindi yung magaling na nagyayabang dahil ang galing niya talaga,” kuwento ni Kris sa grand presscon ng “Feng Shui” noong Miyerkules.

Isa pang nagustuhan ni Kris kay Coco ay nang panahong kakandidado si Pangulong Noynoy Aquino sa pagkapangulo ay nakita niya ang suporta ng aktor kahit na hindi nila hinihingi.

“It was parang election time, yung kalaban niya noon, nakapula, at siya nakadilaw. And I know, he’s one of the creative consultants and part of that is his idea. So, nag-thank you ako.

“I went out of my way, nag-thank you ako. Kasi, when you’re down, maa-appreciate mo talaga, mabibilang mo. At tama ang sinabi niya na kapag bumaligtad ang bangka, mararamdaman mo kung sino ang nandiyan.

So, yung time na na-feel ko na down siya, ganoon siguro, you develop compassion as you mature. “Tinext ko lang siya at nakialam na ako at sinabi ko sa kanya, ‘Baka kailangan mo ng attorney? In fairness, yung naging attorney ni James (Yap), magaling.

You want her number, I’ll give it to you.’ Then, nag-meet sila, yun lang naman. Pero I wanted him to feel that he’s not alone and to think, at that point, hindi pa kami nagsu-shooting.

“Siya lang ang nagsu-shoot noon. Sabi ko, kawawa naman ito. Bench was not guilty. He’s not guilty. Talagang an innocent mistake. And I’m glad, lahat nun natapos, and wow, from now on, ngayon alam ko na, magte-text na ako nang mas madalas,” mahabang kuwento ni Kris.

Samantala, todo rin ang pasasalamat ni Kris sa ex-husband niyang si James Yap dahil sa magandang relasyon nito sa kanyang anak na si Bimby.

“It’s benefiting both Bimb and Kuya na ini-encourage ko ‘yung relationship ni Bimb with James na super proud ako sa son ko na they are building their relationship.

They are on the same page at honest sila with each other and ‘yung polite talaga siya sa girlfriend, polite siya sa tatay niya, polite siya sa kamag-anak ng tatay niya.

“Pero siyempre hindi madali ang journey na pinagdaanan namin pero kapag nakita nila na okay ang mom nila, basta happy ang mom nila, ‘okay Mama,

I will do it for you.’ And I have to credit James na ginawan niya ng time na ‘yung every Friday ay hahanapan niya ng oras talaga,” sey ni Kris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tungkol naman sa MMFF entry nilang “Feng Shui”, hindi naman nag-e-expect si Kris na makukuha nila ang number one slot sa 2014 Metro Manila Film Festival, basta kumita lang daw ng P200 million ay masaya na siya, dahil siguradong kita na raw nila yun bilang mga producers.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending