JASON ipinagpalit si MELAI kay KAYE ABAD? | Bandera

JASON ipinagpalit si MELAI kay KAYE ABAD?

|April 12,2012
facebook
share this

JASON ipinagpalit si MELAI kay KAYE ABAD?

- April 12, 2012 - 11:13 AM

Hindi raw totoong si Kaye Abad ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Mismong si Jason na kasi ang nagsabi na wala silang relasyon ni Kaye at sa katunayan ay hiyang-hiya raw siya sa aktres dahil nadamay nga ito sa issue nila ng dating girlfriend.

Sa interview sa komedyante, sinabi nitong magkaibigan lang sila ni Kaye, “Tropa lang po.

Hindi po totoo. Alam po ‘yan ni JM de Guzman. Tropa po kami doon (sa soap na Angelito Batang Ama).

Sobrang close lang talaga kami doon.”

Open naman si Jason sa pagsasabing marami siyang crush ngayon, including beautiful actress Maja Salvador.

Gustung-gusto raw kasi niya si Maja dahil totoong tao at walang arte sa katawan.

Anyway, until now ay hindi pa rin umaamin sina Jason at Melai kung ano talaga ang naging rason ng kanilang break-up.

Pero inamin ni Jason na nag-start ang hindi nila pagkakaunawaan ni Melai nang makalimutan niyang imbitahan ang dating dyowa sa isang party ng dati nilang kasamahang housemate sa PBB.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending