Vic pinoy version ni George Clooney; nagpakasal kahit Senior Citizen na | Bandera

Vic pinoy version ni George Clooney; nagpakasal kahit Senior Citizen na

Ambet Nabus |November 29,2014
facebook
share this

Vic pinoy version ni George Clooney; nagpakasal kahit Senior Citizen na

Ambet Nabus - November 29, 2014 - 03:00 AM

vic sotto
“WELL, that calls for another presscon!” Ito ang nakangiting sagot ni Vic Sotto sa presscon ng “My Big Bossing” kung saan muli ngang naitanong sa aktor-TV host-producer ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Pauleen Luna.

Sa isang masaya at makulit na presscon para sa kanilang entry sa MMFF 2014 mas open na ang magdyowa na pag-uusapan ang kanilang tatlong taong relasyon, sabi nga ni Pauleen sa halos araw-araw nilang pagkikita ay marami pa rin siyang bagong discoveries kay Bossing.

Bilang producer at co-actor ay saludo lahat kay Vic ang mga nakakatrabaho niya kaya’t kahit ang direktor ng isa sa mga episodes ng “My Big Bossing” (Prinsesa) na si direk Joyce Bernal ay aminadong nainlab sa batikang comediam gaya ng pagkaka-inlab niya sa mga aktor na dati na niyang nakakatrabaho.

Pero bago pa man tayo maligaw ng usapan ay hindi ito yung romantic-kind of love sey ni direk Joyce, masarap daw kasing idirek si Bossing Vic Sotto.

But going back to Vic and Pauleen, sinabi rin ni Bossing na darating at darating din yung araw na lalagay sila sa tahimik, lalo pa’t ang ihinahambing sa kanyang kilalang Hollywood actor-producer-director na si George Clooney ay nagpakasal na rin this year.

Marami kasi ang nagsasabi na pagdating sa pagiging sikat, cool, swabe at mahusay na producer at aktor, pati na pagdating sa pag-handle ng lovelife, ay maraming pagkakatulad sina Vic at George Clooney, “Wow, thank you sa mga ganyang papuri,” hirit pa ng mahusay na komedyante-host.

First time ring gumawa ng trilogy movie si Bossing Vic at dahil extra special daw ito dahil nga Pasko, hindi nila tinipid ang demands ng mga direktor niya.

“Noong una akala ko mura lang kasi three-in-one kumbaga. Pero presyong full length ang bawat isa,” sey nito sa  bawat episode na may kani-kaniya ring direktor.

Sa episode na “Sirena” ay kasama sina Ryzza Mae Dizon, Manilyn Reynes, Jose Manalo at Pauleen sa direksyon ni Tony Reyes. “Hindi madaling gawin kasi nga may languyan at sisiran sa dagat,” ani direk Tony na sanay na sanay na sa sistema ni Vic bilang aktor at producer.

Si Marlon Rivera naman ang natoka sa “Taktak” episode kung saan bibida si Marian Rivera. Si direk Marlon din ang direktor ng biggest MMFF entry last year na “My Little Bossings” kaya’t kumpyansa sina Vic at Ryzza na swak na swak pa rin sa panlasa ng buong pamilya ang part two ng movie.

Sa “Prinsesa” episode nga ng pelikula natoka si direk Joyce kasama naman sina Nikki Gil, Zoren Legaspi at ang bibong si Alonso Muhlach na kamukhang-kamukha ng tatay niyang si Niño na kasali rin sa movie bilang  kontrabida.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mahirap gawin dahil tatlong iba-ibang roles at atake nu’ng sa amin ni Ryzza, but all for fun and happiness kaya kayo na ang bahalang humusga sa darating na Dec. 25,” pag-imbita pa ni Vic sa lahat ng dabarkads.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending