Sigaw ng madlang Pipol: Kim maarte, reklamador, suplada | Bandera

Sigaw ng madlang Pipol: Kim maarte, reklamador, suplada

Cristy Fermin |November 29,2014
facebook
share this

Sigaw ng madlang Pipol: Kim maarte, reklamador, suplada

Cristy Fermin - November 29, 2014 - 03:00 AM

kim chiu
Hanggang ngayon ay nagdurusa pa rin si Kim Chiu sa mga negatibong komentong tinatanggap niya sa social media dahil sa pananalo niya bilang best actress.

Ipinamumukha talaga sa kanya ng mga bashers na wala siyang karapatang talunin sina Angel Locsin, Maricel Soriano, Bea Alonzo, Dawn Zulueta at Maja Salvador.

Sa biglang tingin nga naman kasi ay parang nakagugulat na kakabugin niya ang mga pangalang nabanggit, parang hilaw pa si Kim, marami pa siyang ilulutong bigas para kainin bago siya maparangalan bilang pinakamahusay na aktres ng kahit anong award-giving body.

Meron pang kuwentong kumakalat na binili lang niya ang award. Ang pangontra naman du’n ng young actress, kung totoong nabibili ang award ay di nu’n pa sana niya ‘yun ginawa?

Sa halip na pag-argumentuhan ang tinanggap na award ni Kim sa PMPC Star Awards, mas maganda sigurong mas pagtuunan ng pansin ni Kim ang kaliwa’t kanang kuwento ng kanyang kamalditahan, hindi na biro-biro ang mga negatibong kuwentong kumakalat na hindi nakagaganda para sa kanya.

Simangutera, maldita, maarte, reklamador at suplada. Palaging ganu’n ang sinasabi ng mga kababayan nating nagtangkang magpa-picture taking sa kanya pero nangabigo dahil sa kanyang kamalditahan.

Mas mahalaga para sa amin ang imahe kesa sa parangal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending