Dingdong tuturuang magluto si Regine | Bandera

Dingdong tuturuang magluto si Regine

Ervin Santiago |November 29,2014
facebook
share this

Dingdong tuturuang magluto si Regine

Ervin Santiago - November 29, 2014 - 03:00 AM

dingdong dantes
BAGO ang kanyang nalalapit na pag-iisang dibdib kay GMA Primetime Queen Marian Rivera, bibisitahin muna ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang kanyang future ninang sa kasal na si Asia’s Songbird Regine Velasquez sa isang espesyal na episode na naman ng Sarap Diva ngayong umaga.

Saksihan ang exciting episode na ito kung saan ibabahagi ni Dingdong ang mga detalye ng kanyang preparations para sa kanyang kasal sa susunod na buwan.

Makitsismis sa kaganapan sa buhay ng groom-to-be at alamin kung ano nga ba ang nakatoka  sa kanya sa kasalan ng taon?
Tutulungan din ng Primetime King si Regine na maghanda ng isang kakaibang recipe ng balut.

Abangan ang masaya at inspiring na one-on-one kuwentuhang ito ngayong Sabado ng umaga, 9:45 a.m. pagkatapos ng Tropang Potchi sa GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending