Kim: Kung binibili ang award, dapat noon pa ko bumili! | Bandera

Kim: Kung binibili ang award, dapat noon pa ko bumili!

Ervin Santiago |November 27,2014
facebook
share this

Kim: Kung binibili ang award, dapat noon pa ko bumili!

Ervin Santiago - November 27, 2014 - 03:00 AM

kim chiu
Tila napikon na si Kim Chiu sa mga pambabatikos sa kanya ng ilang bashers tungkol sa pagkakapanalo niyang Best Actress sa nakaraang PMPC Star Awards for TV 2014.

Meron kasing kumukuwestiyon kung bakit siya ang nagwagi (para sa seryeng Ikaw Lamang (with Coco Martin), hindi raw siya deserving sa award, mas may karapatan daw manalo ang mga nakalaban niya sa pagka-Best Drama Actress na sina Bea Alonzo (Sana Bukas Pa Ang Kahapon), Angel Locsin (The Legal Wife), Maricel Soriano (Ang Dalawang Mrs. Real) at Dawn Zulueta (Bukas Na Lang Kita Mamahalin).

Nakalaban din niya sina Lovi Poe (Ang Dalawang Mrs. Real) at Maja Salvador (The Legal Wife). Sabi pa nga ng ilang intrigera, baka raw binili ni Kim ang napanalunang tropeo dahil kahit saan daw nila tingnan, hindi pa raw hinog ang aktres sa nasabing parangal.

Paano naman daw niya matatalo sina Bea, Maricel, Dawn at Angel sa mga ginawa nilang teleserye, e, nakita naman daw ng buong mundo kung paano siya umarte.

At dahil nga sa mga pang-iinsulto sa kanya ng mga salbaheng netizen, naglabas na ng saloobin si Kim, idinaan niya ito sa  kanyang official Twitter account.

Sabi ni Kim, “Kung binibili ang award sana bumili nko noon pa po. #justsaying #goodvibes lang po tayo dito. mag thank u kay papa God sa lhat ng blessings:)”

Samantala, todo naman ang pasasalamat ni Kim kay Angel Locsin matapos itong  nagpadala ng bulaklak para i-congratulate siya sa kanyang pagkakapanalo, “Thank you @therealangellocsin for this beautiful flowers! Such a sweet surprise! salamat!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending