Ara gustong ipamukha kay Aiko ang mabungang relasyon nila ni Mayor Patrick | Bandera

Ara gustong ipamukha kay Aiko ang mabungang relasyon nila ni Mayor Patrick

Cristy Fermin |November 24,2014
facebook
share this

Ara gustong ipamukha kay Aiko ang mabungang relasyon nila ni Mayor Patrick

Cristy Fermin - November 24, 2014 - 03:00 AM

ara mina
Mas makabubuti nga siguro kung hindi masyadong napagkikita si Mayor Patrick Meneses na kasa-kasama ni Ara Mina. May mga nagkokomento kasi ngayon na nawawalan na ng sariling identity ang mayor ng Bulacan, Bulacan, nagmimistula na lang daw siyang anino ngayon ng nagdadalantaong aktres, na hindi nakagaganda para sa kanya.

Maganda naman sana sa panlasa ang ginagawang suporta ni Mayor Patrick para kay Ara, pinanindigan niya ang pagdadalantao ng kanyang girlfriend, hindi lahat ng lalaki ay may balls na tulad ng guwapong mayor.

Pero hanggang du’n na lang sana ang lahat, hindi ‘yung kahit saan na lang ay nakikita silang magkasama, piktyuran pa sila nang piktyuran at post naman nang post si Ara ng kanilang mga larawan.

Ano ‘yun? Gusto pa ipamukha ni Ara kay Aiko Melendez na proud na proud sa kanya ang mayor? Nu’ng panahon kasi nina Mayor Patrick at Aiko ay bibihira lang silang nakikitang magkasama.

“Para kasing nawawalan na ng identity si Mayor Patrick. Parang nabubuhay na lang siya ngayon sa anino ni Ara Mina.
Hindi maganda ‘yun para sa political career niya,” komento pa ng isang kaibigan naming propesor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending