Bigote, balbas ni Rocco type na type ni Lovi | Bandera

Bigote, balbas ni Rocco type na type ni Lovi

Ervin Santiago |November 23,2014
facebook
share this

Bigote, balbas ni Rocco type na type ni Lovi

Ervin Santiago - November 23, 2014 - 03:00 AM

rocco nacino
MATINDING takot pala ang nararamdaman ni Lovi Poe kapag sumasakay siya ng eroplano. Ito ang inamin ng aktres sa presscon ng “Shake Rattle & Roll XV” na official entry ng Regal Entertainment para sa 2014 Metro Manila Film Festival.

Si Lovi ang bida sa episode na “Flight 666” kasama sina Daniel Matsunaga, Matteo Guidicelli, John Lapus at marami pang iba sa direksiyon ni Perci Intalan.

Aniya, napakatinding challenge para sa kanya ang mag-shooting sa loob ng eroplano dahil nga isa ito sa mga kinatatakutan niya. Sey ng Kapuso actress, tuwing sumasakay siya ng plane, talagang grabe ang nerbiyos na napi-feel niya kaya panay  ang pagdarasal niya.

“‘Yung turbulence talaga, always scary for me. Parang everytime na pumapasok ako sa plane, paranoid na talaga ako, eh. Kasi wala ka nang ibang matatakbuhan, eh.

Andu’n ka lang sa air, so, nowhere else you can go. So, pag may turbulence, as in, I pray for my life,” paliwanag ng girlfriend ni Rocco Nacino.

Sey ni Lovi mula simula hanggang ending ng episode nila sa “SRR 15” ay talagang nakakaloka! Baka raw pagkatapos n’yong mapanood ang “Flight 666” ay matulad na kayo sa kanya na makakita pa lang ng eroplano ay inaatake na ng sobrang nerbiyos. Showing na sa Dec. 25 ang “Shake Rattle & Roll XV” bilang bahagi pa rin ng 2014 MMFF.

Speaking of Rocco, going strong pa rin ang kanilang relasyon, at siyempre, umaasa si Lovi na ang Kapuso leading man na nga ang lalaking pakakasalan niya in the future.

Sa presscon ng “SRR 15”, natanong ang aktres kung type ba niya ang bagong look ng binata, may balbas at bigote kasi si Rocco ngayon dahil sa role niya sa GMA TeleBabad series na Hiram Na Alaala with Dennis Trillo and Kris Bernal.

“Gusto ko ‘yung bigote niya. Kasi nu’ng tumutubo na, sabi ko keep it,” nangingiting pahayag ng dalaga. Dagdag pa nito, “Yeah, nagmukha siyang bad boy. Mukha lang naman.”

Mag-iisang taon nang magdyowa ang dalawa at marami na rin silang napuntahang bansa together, at sa first anniversary nila, balak ng dalawa na mag-travel sa Japan kasama ang kanilang mga pamilya.

Pero hindi pa raw alam ni Lovi kung kailan ito. “Hindi talaga ako particular sa dates. Nagagalit nga siya sa akin…sabi niya next time sana maalaala mo. Ha-hahaha!” sey pa ni Lovi.

Pero bago ang kanilang anniversary date, next week ay magtutungo na sa Japan si Lovie kasama ang kanyang ina. Regalo na rin daw niya ito sa kanyang sarili dahil sa sunud-sunod na trabaho niya nitong mga nakaraang buwan, “Gusto ko lang kumain ng sashimi doon. Ha-hahaha!”

Dedmahan daw muna sila ni Rocco this time dahil busy din ang schedule ng aktor.  Light, cool at enjoy lang daw ang relasyon nila ni Rocco, “Ang tagal kasi  naming naging magkaibigan kaya parang it just came out naturally na ganu’n lang. Playful kasi si Rocco, eh.”

“Nu’ng isang araw nga, nag-rock-climbing kami sa The Fort. Sabi ko kasi, gusto kong ma-overcome ‘yung fear of heights ko. So, nag-start ako na mag-rock-climbing kahapon. Inisip ko na gawin namin, pumayag naman siya.

“When I started doing it, I started looking down para ma-overcome ko ‘yung fear na ‘yun. So, okay naman. Hindi naman ako nahulog. Na-climb ko naman lahat ng walls, kahit mahihirap,” kuwento pa nito.

Para kay Lovi ang best adventure nila ng kanyang boyfriend ay nu’ng magpunta sila sa Europe. Dito raw kasi niya nalaman na the best ang binata sa pagtawad.

Nu’ng bumili raw kasi siya ng painting doon, may dalawa siyang nagustuhan na P30,000 ang isa kaya agad na tumawad si Rocco hanggang sa ibigay ito sa kanila ng P12,000.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sobrang galing niya. Sabi ko, ‘Sama ka na sa akin forever ‘pag bibili ako! Natuwa ako sa kanya. Dapat, lagi ko na siyang kasama ‘pag may tawaran na magaganap! Ha-hahaha!” chika pa ni Lovi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending