Libingan ni Pidol napabayaan na, wala nang dumadalaw | Bandera

Libingan ni Pidol napabayaan na, wala nang dumadalaw

Jobert Sucaldito |November 22,2014
facebook
share this

Libingan ni Pidol napabayaan na, wala nang dumadalaw

Jobert Sucaldito - November 22, 2014 - 03:00 AM

dolphy
I SPOKE to a very reliable person about our late Tito Dolphy and my friend told me a mouthful. Alam niyo naman kung gaano kalapit sa puso nating lahat ang late comic icon natin kaya kahit wala na siya, we still get affected by any sad news about him.

Kasi nga, may mga kumakalat na balitang hindi naman daw talaga affected ang dating live-in partner nitong si Zsa Zsa Padilla sa pagkawala ni Tito Dolphy kaya mabilis itong nakahanap ng bagong karelasyon to another relationship and yes, balitang she is getting married very soon to architect Conrad Onglao.

Nakarating kasi sa aming kaalaman na parang kawawa raw ang puntod ni Tito Dolphy sa Heritage Park dahil wala itong mausoleo. Nasa gitna raw ito halos ng mga naggagandahang libingan ng mga mayayamang nakapaligid sa kaniyang puntod.

“Kungsabagay, that scenario of being very simple sa gitna ng naggagandahang mausoleo ay very Dolphy in real life. Kasi nga, simpleng tao lang naman talaga si Dolphy when he was still on earth.

Mas masaya naman siya sigurong simple lang ang puntod niya – ayaw naman niya ng sobrang magarbo. Kaya lang, ang isyu rito ay hindi naman daw magtatagal ang puntod ni Dolphy sa Heritage dahil ang dinig ko ay ililipat ito sa Loyola Memorial Park sa Marikina para makatabi ng mga magulang niyang doon din nakalibing.

Hindi raw kasi lupa ni Dolphy ang kinasasadlakan ng kanyang mga labi  sa Heritage. Kay Zsa Zsa raw iyon at meron daw pinaglalaanan ang Divine Diva with that.

“Nu’ng November 1, walang masyadong mga kamag-anak ni Dolphy ang dumalaw doon, merong isang bulaklak na nakalagay sa itaas ng puntod at mukhang galing pa sa isang fan niya.

Yung isang apo niya ay nakita naming dumalaw at nagpupunas ng mga alikabok sa puntod ng lolo niya. Iyon yata si Rowell Quizon, yung singer. Di namin nakita si Zsa Zsa.

Or baka sadyang hindi na siya pumunta kasi naka-move on na siya sa pagkamatay ni Dolphy? “Nalungkot lang kami sa balitang baka ilipat ang remains ni Tito Dolphy sa Loyola because hindi naman daw niya lupa iyon, pag-aari raw ‘yun ni Zsa Zsa.

Hindi ba puwedeng iregalo na lang ni Zsa Zsa kay Dolphy iyon? After all, mahaba naman ang pinagsamahan nila?” tanong ng ating kausap na sobrang affected sa nabalitaan about her former idol.

I tried to call Rowell Quizon about this pero hindi pa kami nakapag-usap. Itatanong ko sa kaniya iyan sa darating na Wednesday dahil maggi-guest siya sa concert ng alaga naming si Michael Pangilinan sa Music Museum.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

I do hope any of the Quizons xan shed light on this. And also Zsa Zsa – I hope she shares a thought or two tungkol dito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending