Jennylyn magpapayaman muna bago magpakasal: Dapat hindi na umaasa ang mga babae sa lalaki! | Bandera

Jennylyn magpapayaman muna bago magpakasal: Dapat hindi na umaasa ang mga babae sa lalaki!

Ervin Santiago |November 11,2014
facebook
share this

Jennylyn magpapayaman muna bago magpakasal: Dapat hindi na umaasa ang mga babae sa lalaki!

Ervin Santiago - November 11, 2014 - 03:00 AM

jennylyn mercado
MERON na palang idine-date ngayon si Jennylyn Mercado. Hindi lang namin sure kung very recent lang ito dahil noong huli namin siyang makausap kamakailan, todo tanggi pa siyang magkuwento tungkol sa kanyang lovelife.

Pero sa isang interview, sinabi nga ni Jennylyn that she’s dating again, pero nakiusap siya na huwag na muna itong pag-usapan. Aniya, single naman daw siya kaya okay lang yung date-date, pero yung seryosong commitment, waley pa.

Tulad nga ng sinabi niya sa amin sa pocket presscon kamakailan ng kanyang bagong album under GMA Records, “Ang focus ko talaga ngayon ay ang trabaho at ang anak ko, yung lovelife naman kasi, darating kung darating kahit hindi mo hanapin.”

Tanda rin namin ang sinabi niya na hangga’t maaari ay hindi na siya masyadong magsasalita tungkol sa kanyang private life. Natuto na raw siya sa mga dati niyang pagkakamali, “Mas okay kung sa akin na lang ‘yung mga ganu’ng bagay, para mas tahimik, walang gaanong intriga.”

Sey pa nga nga niya sa isang interview, “May mga bagay na kailangan meron pa ring privacy. Hindi lahat ng bagay sinasabi.”
Samantala, kung sakaling magpakasal din siya one day, sisiguruhin daw niya na hindi niya iaasa sa magiging asawa niya ang kanyang mga gastusin, aniya, sa panahon ngayon, kailangan ang mga babae ay marunong nang tumayo sa sarili nilang paa at hindi dapat umasa sa kung kani-kanino, kahit pa sa asawa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending