Julian Estrada: Alam ng diyos na walang kasalanan ang daddy ko! | Bandera

Julian Estrada: Alam ng diyos na walang kasalanan ang daddy ko!

Ervin Santiago |November 01,2014
facebook
share this

Julian Estrada: Alam ng diyos na walang kasalanan ang daddy ko!

Ervin Santiago - November 01, 2014 - 03:00 AM

jinggoy estrada
TUMANGKAD at mas lalong gumuwapo ngayon ang binatang anak ni Sen. Jinggoy Estrada na si Julian, isa sa mga bida ng pelikulang “Relaks It’s Just Pag-Ibig” kung saan makakasama niya ang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo.

Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ng binata ngayong malapit nang ipa-labas ang launching movie nila ni Iñigo kasama ang promising young actress na si Sofia Andres ng Star Magic.

Sa presscon ng pelikula under Spring Films to be distributed by Star Cinema, natanong si Julian kung feeling ba niya ay happy ngayon ang kanyang tatay na si Jinggoy sa nangyayari sa career niya, ang kanyang tugon, “Yes, I think so.”

Siyempre, medyo sad ang binata dahil nga nakakulong pa rin hanggang ngayon sa Custodial Center ng PNP sa Camp Crame ang ama dahil sa kasong plunder. Sayang nga raw at hindi nito mapapanood sa sinehan ang kanyang launching film.

“I know naman and Lord knows that he’s innocent, and we believe that he will get out of jail soon. And I always pray every night for him to get out (of jail),” sabi ni Julian kasabay ng pagbibiro na dadalhan na lang daw niya ng DVD ng movie nila si Jinggoy.

Isa pa sa mga naitanong sa binata during the presscon kung ano sa tingin niya ang advantage at disadvantage ng pagiging anak ng kilalang showbiz personality at apo pa ni dating Pangulong Joseph Estrada.

“Disadvantage po, ‘cause my dad has been through a lot now, and I’m starting pa lang po, so this is special for me. Advantage po yung mga tips niya po sa akin, yung advice niya po na ibinigay sa akin: be yourself, and be confident, and be honest,” tugon ng batang aktor.

Balak din ba niyang maging action star tulad ng kanyang ama at lolo? “Right now, ‘di ko pa po alam, kasi it’s my first movie pa lang po. Siguro sa susunod na lang po (malalaman ang sagot),” sabi ni Julian.

Samantala, showing na sa Nov. 12 nationwide ang “Relaks It’s Just Pag-Ibig” sa direksiyon nina Antoinette Jadaone at Irene Villamor. Makakasama rin dito sina Ericka Villongco, Smokey Manaloto, Earl Ignacuio, Pia Magalona with the special participation of Alessandra de Rossi.

Ang “Relaks It’s Just Pag-Ibig” ay kuwento ng mga bagets na naghahanap ng true love sa murang edad. Ayon kina Julian, Sofia at Iñigo, tiyak daw na maraming kabataang makaka-relate sa kuwento ng pelikula.

Bukod sa mga nakakakilig at nakaka-inspire na eksena, marami rin daw values na matututunan ang  manonood. Tiyak na pagkatapos ng pelikulang ito ay magkakaroon agad ng rivalry sina Julian at Iñigo, pag-aagawan kasi nila sa kuwento si Sofia, pero sa presscon nga ng movie, inamin ng dalaga na kapag niligawan siya ng anak ni Piolo, malamang daw sagutin niya ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa mga gustong makita up close and personal ang mga bida ng pelikula, magkakaroon sila ng mall tour, nasa SM Novaliches sila sa Nov. 2 at sa Nov. 9 naman sa SM Fairview.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending