Magiging BF ba ang crush? | Bandera

Magiging BF ba ang crush?

Joseph Greenfield |October 31,2014
facebook
share this

Magiging BF ba ang crush?

Joseph Greenfield - October 31, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Patricia  ng Bugo, Cagayan  de Oro City
Dear Sir Greenfield,
May crush po akong lalaki na tawagin na lang nating Aron. Classmate ko siya at isinilang siya noong November 7, 1995. Ako naman ay isinilang noong July 2, 1995. Napapansin ko pong lagi siyang nakatingin sa akin sa klase, pero hindi naman niya ako kinakausap. May pagkamahiyain siya, pero guwapo, cute, mabait at matalino. Naisipan ko pong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa kayang ligawan niya ako at maging boyfriend ko siya.
Umaasa,
Patricia ng Cagayan de Oro City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
illus 1031May guhit na umangat, pasangang-pataas mula sa Heart Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, sa pag-ibig, pakikipagrelasyon at sa lahat ng aspetong may kaugnayan sa damdamin ay kumbaga sa “manok na panabong, ikaw ay mananalo.” Ibig sabihin, sa larangan ng pakikipagrelasyon ay hindi ka mabibigo. Ang lahat ng ibigin at magustuhan mo ay kusang mapapasa iyo.
Cartomancy:
Queen of Hearts, Ace of Clubs at Nine of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.).
Ang mga baraha ang nagsasabing hindi ka lang sa pag-ibig susuwertehin kundi sa lahat ng aspeto ng buhay. Ibig sabihin, likas kang suwerte at likas na sa iyo ang magkaroon ng magaganda at positibong kapalaran, habang ikaw ay lumalaki at nagdadalaga.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending