John Lloyd plano nang lumipat sa ibang TV network | Bandera

John Lloyd plano nang lumipat sa ibang TV network

Cristy Fermin |October 31,2014
facebook
share this

John Lloyd plano nang lumipat sa ibang TV network

Cristy Fermin - October 31, 2014 - 03:00 AM

ANGELICA PANGANIBAN AT JOHN LLOYD CRUZ

ANGELICA PANGANIBAN AT JOHN LLOYD CRUZ

Kapag kumabilang-bakod si John Lloyd Cruz dahil balitang may malaking tampo siya ngayon sa ABS-CBN ay siguradong mga komentong kasingpait ng ampalaya ang ibabato sa kanya.

Walang paltos ‘yun. Siguradong kawalan ng utang na loob ang ibabalik sa kanya ng istasyon, sasabihing hindi siya marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan, kaya wala siyang magandang paroroonan.

Hindi pa pala nagre-renew ng kanyang kontrata si JLC dahil wala pa namang bagong kontratang iniaalok sa kanya ang Dos.

Naghihintayan lang kaya sila?

Mas magandang manatili na lang si John Lloyd sa ABS-CBN.

Du’n na siya literal na lumaki, du’n na rin lumaki ang kanyang pangalan bilang aktor, gamay na nila ang bawat isa. May tinatawag na magaan katrabaho, may suwerte ring kasama, napatunayan ni JLC na ang Star Cinema ‘yun para sa kanya.

May tampo raw ang aktor sa produksiyon dahil sa mga eksenang ginawa niya sa “The Trial” na tinanggal.

Magaganda raw ang mga na-edit na eksena, pinanghihinayangan ‘yun ng magaling na aktor, kaya masama ang kanyang loob ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending