Petsa ng kasal nina Dingdong at Marian malas; masama sa Feng Shui | Bandera

Petsa ng kasal nina Dingdong at Marian malas; masama sa Feng Shui

Reggee Bonoan |October 26,2014
facebook
share this

Petsa ng kasal nina Dingdong at Marian malas; masama sa Feng Shui

Reggee Bonoan - October 26, 2014 - 03:00 AM

marian rivera
May sitsit noon na kakandidatong senador si Dingdong Dantes at suportado na raw ito ng ilang private sector, pero biglang nagsabi ang aktor na ayaw na niyang tumakbo.

May bagong tsika bossing Ervin, kaya pala ayaw nitong tumakbong senador ay dahil sa party list daw kakandidato ang magiging asawa ni Marian Rivera. Kuwento sa amin, “Nagsabi naman si Dindong na ayaw niya ng senador, tama rin naman kaya napag-usapan ng mga susuporta sa kanya na party list ang hahawakan niya, as of now, wala pang napag-uusapan kung ano ‘yun.”

Sabagay, kilala si Dingdong na tahimik na tao, baka bigla na lang mambulaga ang aktor sa magiging desisyon niya bago mag-2016. Samantala, may nanghula na mali ang desisyon nina Dingdong at Marian na magpakasal sa Dis. 30, 2014.

Ayon kay Maritess Allen, isang feng shui expert, malas daw ang nasabing petsa para sa isang kasalan. Hindi namin nakuha ang buong detalye ng naging hula, pero base sa nabalitaan namin, hindi raw tugma ang nasabing date sa pag-aasawa.

Aware kaya sina Dong at Yanyan dito? O baka naman hindi naniniwala ang dalawa sa mga hula-hula na ganyan o sa feng shui?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending