Negative energy | Bandera

Negative energy

Dr. Hildegardes Dineros |October 24,2014
facebook
share this

Negative energy

Dr. Hildegardes Dineros - October 24, 2014 - 03:04 PM

HELLO Doctor Heal,
Good afternoon to you. Itago mo na lang akong pangalang ladysensitive. Ang ganda ng mga artikulo mo nakakapagpagaan ng loob ng mga readers.

Ang tanong ko lang po, Dr. Heal, paano ko i convert ang utak ko para di ko maisip ang mga negatibong agam agam. Please help me.
Ladysensitive
Hello Ladysensitive,

Tama ka sa iyong sinabi na ang negatibong enerhiya ang agam-agam (doubt). Ang utak ng tao ay walang kinalaman dito, ang kaisipan ang siyang malikot, mapaghanap at mapaglaro. Hindi rin ito marunong makuntento at gusto parating maging mapagkontrol.

Kapag naiisip ng tao na siya ang pinakamakapangyarihan, makasarili siya at gusto niya na ang atensyon ng lahat ay sa kanya lamang, kaya naman tingin niya lagi siyang kulang sa pansin.

Ang kaisipan (consciousness) ay siyang naapektuhan ng “negativity”, enerhiyang negatibo, “evil” o kasamaan, nguni’t nangyayari lamang ito nang may pahintulot ng “rational mind”. kapag ang kaisipan ay tuliro, madaling pasukan ng negatibong enerhiya. Nagiging tuliro lamang ito kung ang kaisipan ng tao ay hindi nakatuon sa mas mataas na kaisipan ng Poong Maykapal.

Ang panlaban sa agam-agam (doubt) ay ang katotohanan (truth). Ang lubos at buong katotohanan ay nanggaling lamang sa Diyos. Samakatuwid, ang pananampalataya ang siyang pang-alis ng agam-agam. Ang paniniwala sa kapangyarihan ng diyos at hindi sa kapangyarihan ng dyablo ang kailangan para maalis sa kaisipan ang agam-agam, kasama na ang takot, kalungkutan, galit, inggit, kasakiman at higit sa lahat ang pagmamalaki.

Dear Doc,
Ako po si Kenneth, 15 years old at nakatira sa Novaliches, Quezon City. Tanong ko lang po kung anong gamot para hindi magpawis ang kilikili? Thanks po.
– Kenneth

Sa edad mo ay madalas na sanhi ng malubhang pagpapawis ay “hormonal challenge”. Kung kilikili lamang, iwasan na lang na magkaroon ng impeksyon dahil nagdadala ng sama ng amoy. Panatilihing malinis ang katawan. Gayunman, kailangan masiguro na wala kang “hyperthyroidism”. Magpatingin sa doktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending