Wanted: Husband (2) | Bandera

Wanted: Husband (2)

Joseph Greenfield |October 24,2014
facebook
share this

Wanted: Husband (2)

Joseph Greenfield - October 24, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Alona  ng Barra, Opol, Misamis  Oriental
Dear Sir Greenfield,
1.      Nagtataka ako sa aking buhay kung kaya’t naisipan kong kumunsulta sa inyo. Kasi noong high school at college ako ay nagka-boyfriend naman ako kaya lang lahat ng relasyong dumating sa akin ay panandalian lang hanggang sa nakapagtrabaho ako bilang public school teacher. Simula noon wala ng dumating na manliligaw sa akin hanggang sa umedad ako na 34 na sa ngayon.
2.      Ako ang bunso sa aming apat na magkakapatid na may asawa na lahat, kaya pinag-aasawa na rin ako ng mga magulang ko. Itatanong ko lang sa inyo, kung sa edad kong ito may pag-asa pa kaya akong makapag-asawa at kung may asawa na ako magkaka-anak pa kaya ako. Kailan kaya ako makapag-aasawa kung sakasakali at magkakaroon ng sariling pamilya, at kapag nagka-family na ako magiging maunlad kaya at masaya ang magiging pamilya ko sa future? July 31, 1980 ang birthday ko.
Umaasa,
Alona ng Misamis Oriental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Leo (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Sagittarius ang nakatakda mong maging boyfriend hanggang sa tuluyan mo ring mapapangasawa. .
Numerology:
Ang birth date mo namang 31 ay nagsasabing isang lalaking isinilang sa petsang 7, 16 o kaya’y 25 ang manliligaw sa iyo, kung saan, ang lalaking ito rin ang siya nang magiging boyfriend mo sa taong 2016, sa edad mong 36 pataas, upang pagsapit ng taong 2017 sa edad mong saktong 37 pataas, tuluyan ka ng makapagasawa.
Luscher Color Test:
Upang matupad ang pangarap na magkaboyfriend at makapag-asawa, lagi kang magsuot ng kulay na dilaw at pula. Sa ganyang paraan, sa larangan ng pag-ibig at pakikipag-relasyon susuwertehin ka!
Physiognomy:
Ang hugis ng iyong mukha at pangangatawan na medyo mataba ay nagsasabing isang lalaking medyo payat na may kayumangging kulay ang balat ang iyong mapapangasawa.
Huling payo at paalala:
Alona ayon sa iyong kapalaran hindi ka dapat mainip at hindi ka rin dapat kabahan, dahil bago ka pa isinilang nakatakda na ang magaganap – kung saan, hindi ka tatandang dalaga habang buhay, sa halip, isang lalaking inilarawan na sa itaas ang iyong mapapangasawa sa taong 2017 sa edad mong 37 pataas, na ang nasabing samahan ay bibiyaan ng isang cute at magandang babaing sanggol na magdudulot ng dagdag pang tagumpay at kaligayahan sa itatayong nyo pamilya habang buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending