Sylvia Sanchez mas gumaling sa ‘THE TRIAL’ dahil sa bra at panty ni Aiza | Bandera

Sylvia Sanchez mas gumaling sa ‘THE TRIAL’ dahil sa bra at panty ni Aiza

Jobert Sucaldito |October 23,2014
facebook
share this

Sylvia Sanchez mas gumaling sa ‘THE TRIAL’ dahil sa bra at panty ni Aiza

Jobert Sucaldito - October 23, 2014 - 03:00 AM

sylvia sanchez
GRABE ang magagandang reviews kay Ms. Sylvia Sanchez sa kaniyang sterling performance sa pelikulang “The Trial” ng Star Cinema na showing pa rin ngayon. Talagang pinapalakpakan siya ng mga manonood.

Hanep ang good vibes na natanggap ni Ibyang (palayaw ni Sylvia) from everyone na nakapanood na ng movie – as usual ako na naman ang last to know.

Ha-hahaha! Pero noon pa man ay alam na ng buong sambayanan that she is really a good actress – ang kaibahan lang ngayon ay sobra talaga ang papuri ng lahat sa kaniya.

“Nakakapanindig-balahibo talaga ang reviews nila sa acting ko. Nakakatuwa dahil, oo, marami na ring pumuri sa akin sa maraming pagkakataon pero kakaiba ito. In fairness naman kasi sa akin, pinaghandaan ko talaga ang role ko rito.

Tulad ng pagiging tomboy ko, kahit may peg ako (si Aiza Seguerra) sa pagkatibo, may pagka-boyish na ako noon pa man. Ha-hahaha! “Lumaki kasi akong puro bading at tomboy ang mga barkada ko.

Never man akong naka-experience na maging tomboy sa totoong buhay o naging syota ng tomboy, I’m very close to many of them.

“I just feel so lucky na mabigyan ng opportunity na mapasama sa ‘The Trial’. It could have been someone else, di ba? Pero personal akong kinuha ni Direk Chito Rono dahil sabi nga niya, perfect sa akin ang role na iyon.

Kaya maraming salamat talaga,” ani Ibyang nang makasama namin sa “coffee break” ni kafatid na Roel Villacorta sa bahay nito sa Quezon City the other night.

One good thing kasi about Sylvia as a performer, hindi siya patsamba-tsamba lang. She really prepares for her role. Pati ang mga kagamitan niyang kailangan sa set ay kailangang bitbit niya, hindi puwedeng palitan ng kung anik-anik lang.

“Like yung bra at briefs na gamit ko sa role ko. Binigyan ako ni Aiza ng bra na pangtomboy, yung flat lang tapos, kailangang naka-briefs ako sa set para maramdaman ko talagang lalaki ako.

One time nakalimutan ng PA ko ‘yung briefs na gagamitin sa shoot. Pinakuha ko talaga, kasi kailangan ko yun para maging makatotohanan ang akting ko.

“Inaral kong mabuti ang script ko. Nag-isip ako ng iba’t ibang atake sa bawat scene namin na hindi sosobra sa kailangan. Magaling kasing mag-motivate si Direk Chito Roño at ang huhusay ng co-actors ko kaya tinablan ako sa maraming eksena namin.

Hay, sarap magtrabaho pag ganito, dahil lahat ng paghihirap mo na-appreciate ng manonood,” she humbly whispered to us.
Congrats, Ibyang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sana ay makagawa ka pa ng maraming makabuluhang proyekto para lalong sumaya ang kapaligiran sa industriya natin. Parami na kasi nang parami ang mga ham actresses kaya pakibasag na lang ang katahimikan nila. Ha-hahahaha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending