Gusto ng mag-asawa (2) | Bandera

Gusto ng mag-asawa (2)

Joseph Greenfield |October 22,2014
facebook
share this

Gusto ng mag-asawa (2)

Joseph Greenfield - October 22, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay  Isabel Castellano,  Calatraba, Negros Occidental
Problema:
1. Mula ng magkaroon ako ng boyfriend at may nangyari sa amin, parang hindi ko na po makayang mawala pa ang boyfriend kong si Mat. Ang problema ay nag-abroad siya at bago siya nag-abroad sabi niya sa akin ay magpapakasal na kami pagbalik niya sa 2017. Ang tagal pa noon. Almost two months pa nga lang siyang nakakaalis ay sabik na sabik na ako sa kanya at parang hindi ko na makaya na wala siya sa aking tabi.
2.      Kung ako lang ang masusunod ay gusto ko na siyang umuwi para magkasama na kami. Nagtataka din ako sa sarili ko kasi mula ng umalis siya laging may takot sa aking dibdib na baka mambabae siya sa ibang bansa.
3.      Ito rin ang dahilan kung kaya’t naisipan kong sumangguni sa inyo. Gusto kong garantiyahan n’yo ako na ang boyfriend ko na ang mapapangasawa ko at makakasama habambuhay at kung hindi niya na talaga ako ipagpapalit sa iba at wala ba talaga siyang ibang babae sa abroad
Umaasa,
Isabel ng Negros
Occidental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ang nagsasabing kung ang boyfriend mong nasa abroad ay isang Cancer, compatible kayo at sa takdang panahong inilaan ng kapalaran. At kahit nasa abroad pa siya sa ngayon, walang alinlangang kayo na nga ang magkakatuluyan.
Numerology:
Ang birth date mong 14 ay nagsasabing hindi lamang magiging maligaya ang papasukin mong pag-aasawa sa taong 2017, kundi magbubunga ng isang masagana at maunlad na pamilya.
Luscher Color Test:
Upang matiyak ang isang maligaya, maunlad at habambuhay na pagsasama, gumamit kayo ng kulay na berde at dilaw sa araw ng inyong kasal at sa lahat ng mga gamit sa bahay. Sa ganyang paraan, ang inyong pamilya ay laging susuwertehin at magkakaroon ng mas marami pang magagandang kapalaran.
Huling payo at paalala:
Isabel, ayon sa iyong kapalaran, mas mainam na ipayapa mo ang isipan mo sa ngayon. Sigurado naman na sa taong 2017, tulad ng nasabi na, sa buwan ng Disyembre o kaya’y Enero, ay walang alinlangan na makakatuluyan mo ang kasalukuyang boyfriend na nasa ibayong dagat. At ang nasabing pag-asawa ay tiyak na hahantong sa isang maligaya, masagana at pang habambuhay na ngang pagpapamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending