KC, Paulo hinamon ng madlang pipol: Itigil na ang kaechosan! | Bandera

KC, Paulo hinamon ng madlang pipol: Itigil na ang kaechosan!

Jobert Sucaldito |October 22,2014
facebook
share this

KC, Paulo hinamon ng madlang pipol: Itigil na ang kaechosan!

Jobert Sucaldito - October 22, 2014 - 03:00 AM

KC CONCEPCION AT PAULO AVELINO

KC CONCEPCION AT PAULO AVELINO

FOR a while ay tumahimik ang kaechosan nina KC Concepcion and Paulo Avelino. Rumors of being lovers – then denials – then balitang off na talaga and now a different story and angle.

Na kesyo Paulo took care of her when she was hospitalized for dengue. May mga drama pang ginigitarahan pa siya ng nasabing binatang ama at kiyemeng kumanta naman si KC. In short, parang lumalabas na talagang magdyowa sila pero heto na naman ang mga magic words nila saying na “we’re just friends”.

“Bolahin ninyo mga lelong ninyo! Ha-hahaha! Sinong maniniwalang friends lang kayo, sige nga? Kasi, nabasa namin sa isang old research na kapag ang isang pasyente ay nakipag-sweetan sa kaniyang bisita, that person must be very special. Kasi iba-iba ang mga situwasyon – iba pag nasa hospital bed ang isang tao at iba rin yung nasa normal na kundisyon ito sa kaniyang bahay.

“Sa bahay kasi when you’re not sick, your tendency before accepting a visitor ay kailangang mabango ka, bagong-ligo. Lalo pa’t nanliligaw pa lang. Lalo pag nasa hospital, may kakaibang feeling at amoy kasi ang hospital. Kahit nasa suite ka ng hospital, you can still smell a little lansa or amoy ng medisina sa hangin.

“Kung isang kaibigan lang ang dadalaw ang tendency mo ay you just stay sa iyong kama and slightly talk to the person pag conscious ka. Kasi nga, hindi ka fully-fresh pag naka-confine ka. Hindi mo masyadong nalilinis ang katawan mo dahil bawal maligo hangga’t hindi ka magaling pa kaya kahit paano meron pa rin itong little smell.

“Kaya medyo iwas ka sa pagdikit-dikit with your visitor. Walang pinipiling tao unless that person you’re with is someone na hindi ka na maiilang.

“Kaya marami ang nagku-conclude na talagang magdyowa sina KC and Paulo. Huwag na nilang paikutin ang mga tao. Sila na raw talaga and that’s for sure,” anang isang nagmamarunong na netizen.

Kakaloka!? Naggitara lang at nakikanta si KC nagawan agad ng konklusyon. Wait na lang natin ang pag-amin nila one day. Iyon ay kung interesado pa kayo. Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending