KC umamin na sa relasyon nila ni Paulo | Bandera

KC umamin na sa relasyon nila ni Paulo

Ervin Santiago |October 21,2014
facebook
share this

KC umamin na sa relasyon nila ni Paulo

Ervin Santiago - October 21, 2014 - 03:00 AM

kc concepcion
MAS naniniwala kaming magdyowa na nga sina KC Concepcion at Paulo Avelino. Sa mga naging pahayag ng TV host-actress sa The Buzz last Sunday, kitang-kita namin ang pagka-in love niya sa kayang “special friend”.

Kahit na ano kasing pagtanggi ng isa sa leading lady ni Coco Martin sa seryeng Ikaw Lamang, na magkarelasyon na sila ni Paulo, tila walang naniniwala sa kanya dahil halata namang nagmamahalan sila ni Paulo.

Mas lalo naman kaming nakumbinse na matagal nang may namamagitan sa dalawang Kapamilya stars nang kumpirmahin ni KC na halos gabi-gabing dinadalaw at binabantayan ng binata noong na-confine siya sa ospital dahil sa dengue.

Siyempre, super thankful daw siya sa aktor dahil talagang nagtiyaga itong alagaan siya habang nasa ospital kahit na busy din ito sa trabaho.

“Alam mo ‘yang si Paulo, kahit kapag nakikita mo siyang rumarampa na ang lakas ng dating, he’s very sweet, he’s very thoughtful.

Nu’ng nasa hospital ako, siya talaga ‘yung nag-alaga every night and day. ‘Yun ang sincerity na hindi mo talaga mape-fake,” ani KC. Kamakailan ay ipinost ni KC ang picture nila ni Paulo habang nasa ospital.

Kumakanta siya habang naggigitara naman ang binata, “Kasi when you’re sick, kapag naospital ka, parang ang lungkot. Parang lahat ng tao hindi alam kung bibisitahin ka or hindi.

Siya, no questions asked. Talagang nandu’n siya.”  “Ayaw ko na mag-deny. Pero hindi naman pag-amin ito. Ang sa akin, artista so kapag ganu’n, celebrity or nakikita ka sa TV, hindi ka pwedeng humingi ng privacy lagi.

Nag-decide akong i-share kasi napaka-sweet ni Pau,” aniya. Sa tanong kay KC kung ano nga ba ang pumupigil sa kanila na maging magdyowa, “Honestly, we have our ups and downs.

We are very, very, very close. I can really say isa siya sa mga best friends ko. Not to say na hanggang doon lang pero maganda ‘yung friendship namin. It’s very real, genuine. Wala naman kaming project together.

We are very, very good friends.”  Hirit pa ni KC sa kung anuman ang meron sila ni Paulo, “Siguro nandu’n din ‘yung siyempre may anak na siya. Siyempre ako ayaw ko din mag-commit sa isang tao na—kasi dapat tuluy-tuloy na ‘yun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi pa namin napag-uusapan exactly kung ano ‘yung meron kami pero you’re right, whatever we have now, we are happy that way.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending