Mother Lily gagastos ng milyun-milyon para kina Marian at Coco | Bandera

Mother Lily gagastos ng milyun-milyon para kina Marian at Coco

|March 19,2012
facebook
share this

Mother Lily gagastos ng milyun-milyon para kina Marian at Coco

- March 19, 2012 - 04:05 PM

Wala nang atrasan ang pagsasama sa pelikula sa kauna-unahang pagkakataon nina Marian Rivera at Coco Martin, at ‘yan ay mangyayari nga sa Regal Entertainment ni Mother Lily Monteverde.

Pumirma na ng kontrata para sa nasabing proyekto si Coco, na isa sa itinuturing na prized properties ng ABS-CBN, kasama si Mother Lily, ang anak nitong si Roselle Monteverde at manager ng actor na si Biboy Arboleda.

Siyempre, naroon din ang exclusive Regal baby na si Marian para pormal na i-welcome si Coco.

Ka-join ni Marian ang manager niyang si Popoy Caritativo at si Maryo J. delos Reyes, na siyang magdidirek ng first movie together nina Coco at Marian.

Ngayon pa lang, pareho nang excited sina Marian at Coco dahil sa totoo lang, maituturing itong casting coup considering na galing sila sa magkaribal na TV networks – si Coco sa ABS-CBN 2 at si Marian sa GMA 7.

Busy na ngayon ang Regal, si direk Maryo at lahat ng taong may kinalaman sa Marian-Coco movie sa pagbe-brainstorm at pagbuo ng magandang konsepto para sa dalawang bida ng pelikula.

Siguradong higante sa laki ang kalalabasan ng proyektong Marian-Coco na dapat abangan ng kani-kanilang mga tagahanga sa loob ng taong ito.

At sabi nga ni Mother Lily, handa niyang gastusan ng milyun-milyon ang proyektong ito dahil hindi niya alam kung kalian uli ipahihiram ng ABS si Coco sa Regal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending