Daniel awang-awa kina Sam at Jasmine: Pakiusap, huwag n’yo na silang idamay! | Bandera

Daniel awang-awa kina Sam at Jasmine: Pakiusap, huwag n’yo na silang idamay!

Ambet Nabus |September 24,2014
facebook
share this

Daniel awang-awa kina Sam at Jasmine: Pakiusap, huwag n’yo na silang idamay!

Ambet Nabus - September 24, 2014 - 03:00 AM

jasmine curtis
O di ba, kung yun ngang supposedly “men’s talk” nina Daniel Padilla at mga kaibigan tungkol sa isang girl na diumano’y “nagpakilig ng tumbong” ng aktor ay kumalat sa social media, yun pa kayang nangyayari sa dressing room ng isang fashion show?

We’re really wondering kung bakit kaya lumabas ang nasabing audio-video scandal kung wala talagang masamang intensyon sa batang aktor na in all fairness ay inamin ang pagkakamali at matapang na humingi ng sorry.

Dapat nga sigurong mag-ingat sa pagsama-sama ng kung sinu-sinong mga kaibigan kuno itong si Daniel dahil hindi nga lang ito ngayon nangyari.

Hindi ba’t kahit yung photo scandal kuno niya na nagyoyosi at may hawak na bote ng alak ay balitang kaibigan din niya ang nagpakalat sa social media?

Tama lang na mag-react at magbigay uli ng babala si Karla Estrada (nanay ni Daniel) sa mga pinaghihinalaan nilang “kaibigan” ng batang aktor pero mas dapat sigurong bigyan na lang ang bagets ng mga trusted companions na talagang kilalang-kilala na nila at hindi yung nakakasama lang nito dahil sa basketball at iba pang gimik.

Humahanga rin kami sa ginawang pakiusap ni Daniel sa kanyang fans na huwag nang idamay sina Jasmine Curtis at Sam Concepcion sa iskandalo, “Ako na lang po, wag na ang ibang tao,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending