Daniel sa traydor na mga kaibigan: Ituloy n'yo lang 'yan, galingan n'yo! | Bandera

Daniel sa traydor na mga kaibigan: Ituloy n’yo lang ‘yan, galingan n’yo!

Ervin Santiago |September 23,2014
facebook
share this

Daniel sa traydor na mga kaibigan: Ituloy n’yo lang ‘yan, galingan n’yo!

Ervin Santiago - September 23, 2014 - 03:00 AM

daniel padila
Ayaw nang resbakan ni Daniel Padilla ang mga taong nagtraydor sa kanya at nagtangkang wasakin ang relasyon nila ni Kathryn Bernardo.

Ito’y may kunek nga sa kumalat na audio-video kung saan makikita at maririnig si DJ na diumano’y sinisiraan ang isang tao at may binabanggit na babae na type raw nitong maging dyowa.

Dahil daw dito ay nagkaroon ng matinding away sina Daniel at Kathryn. Nadamay pa nga sina Jasmine Curtis at Sam Concepcion na sinasabing naging subject ng usapan nina Daniel na nai-record nga raw ng isa niyang kaibigan na siya ring nag-upload nito sa social media.

Pero pinatunayan nga ng dalawa na okay na okay ang kanilang samahan nang magyakap sila nang mahigpit sa ginanap na underwear show noong Biyernes.

Sa interview ng The Buzz, tila hindi naman affected much si Daniel sa mga bagong kontrobersiya sa buhay niya, “Gusto ko lang sabihin na ituloy niyo lang iyan. Galingan niyo!” ang tangi niyang nasabi.

Nag-post na rin si Kathryn ng isang litrato nila ni Daniel na may caption na: “Best guy ever.” Sa kanyang Twitter account naman nag-post ng ilang mensahe si DJ para sa fans nila ni Kath, aniya, “Gusto ko po magpasalamat sa lahat ng sumusuporta sa akin simula pa nung simula…

Maraming salamat dahil kayo ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon at kung bakit maginhawa ang buhay namin ng aking pamilya. Maraming maraming salamat at kayo ang pumuprotekta sa akin sa kahit ano man ang sabihin ng ibang tao sa akin.”
“Ako po talaga ay masayang masaya at nandiyan kayo para sa akin.

Pasensya na din po kung minsan e nagkukulang po ako sa inyo…Malaking Malaki ang utang na loob ko sa inyong lahat… Maraming salamat po ulit sa inyo at sana magkakasama po tayong lahat habang buhay,” dagdag pa ng binata.

Ngayon, dapat na talagang doblehin ni Daniel ang pag-iingat, lalo na sa mga taong nasa paligid niya dahil hanggang sikat siya ay hindi siya tatantanan ng mga ganitong uri ng intriga at iskandalo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending