Charice mag-iipon muna bago pakasalan si Alyssa | Bandera

Charice mag-iipon muna bago pakasalan si Alyssa

Ervin Santiago |September 22,2014
facebook
share this

Charice mag-iipon muna bago pakasalan si Alyssa

Ervin Santiago - September 22, 2014 - 03:00 AM

charice pempengco

NAGING emosyonal ang guesting ng mag-inang Charice at Raquel Pempengco sa ASAP kahapon kung saan nag-duet pa sila sa kantang “Maghintay Ka Lamang.”

Pinasalamatan ng international singer ang kanyang ina sa muling pagtanggap sa kanya matapos silang magkatampuhan dahil sa pag-amin ni Charice na isa siyang tomboy.

“Two weeks pa ako umuwi pero hindi pa ako nagiging emotional sa kanya. Hindi pa ako nakapagpasalamat sa lahat kasi nahihiya ako. I just want to say that everything, kung sino man ako ngayon, lahat ‘yun, ‘yung lakas ng loob nakuha ko sa ‘yo.

“Kahit na ano man ang nangyari dati, ito pa rin tayo nasa harap ng buong mundo, sinasabi natin sa kanila na kahit anong masama ang inisip nila sa atin, akala nila hindi tayo magkakaayos, pamilya pa rin tayo,” ani Charice.

Pahayag pa ng singer, “Sana maging role model tayo sa kanila na kahit anong problema sa mundo, basta pamilya kayo, walang problemang hindi maso-solve. I love you. I love you, Karl. I love you, Alyssa (Quijano, girlfriend niya). I love you, daddy. I am very happy and this is the best achievement that I could ever have in my life.”

Para naman kay Mommy Raquel, never naman daw siyang nagalit sa anak at hindi niya magagawang itakwil ito. “Ang masasabi ko lang po, gaano man katagal lumipas ang panahon, basta nandito lang ako naghihintay sa mga anak ko na bumalik pa rin sa akin.

Para ipaalam ko lang sa lahat, kahit anong nangyari, mahal na mahal ko pa rin kayo,” aniya. Sa Startalk naman noong Sabado, natanong sina Charice at Alyssa kung plano rin nilang magpakasal tulad nina Aiza Seguerra at Liza Diño.

“Sa ngayon po, talagang mabuti na yung nagsasama kami. Focus po sa trabaho muna, ipon-ipon muna, at saka enjoying our lives. Enjoying our times na bata pa kami,” sagot ni Charice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending