Unang Medalya pakay ni Colonia | Bandera

Unang Medalya pakay ni Colonia

Mike Lee |September 20,2014
facebook
share this

Unang Medalya pakay ni Colonia

Mike Lee - September 20, 2014 - 03:00 AM

SA gitna ng magkahalong kagalakan at kaguluhan sa pagdating ng mga atleta at opisyales sa Athletes Village ng Incheon Asian Games ay tahimik na inihahanda ni Nestor Colonia ang sarili.

Sasalang kasi ngayon ang 22-anyos at natatanging weightlifter ng pambansang delegasyon  sa 56kg. weight class ng kompetisyon.

Si Colonia ang unang Pinoy na magtatangkang manalo ng gintong medalya mula sa mahigit 150 atleta ng bansa sa Incheon.
Pakay ng Pilipinas na malampasan ang mga iniuwing tatlong ginto, apat na pilak at siyam na tansong medalya sa huling edisyon ng Asian Games  sa Guangzhou, China noong 2010.

“Focus lang po muna ako na mahigitan ang personal best record ko,” pangako ng weightlifter na galing  Zamboanga City.
“Pipilitin ko po na mabuhat ang buong makakaya ko.”

Pumang-anim lamang si Colonia noong 2010 Guangzhou Games pero kumpiyansa siyang mahihigitan niya iyon ngayon.
Bago umalis patungong Incheon ay nagawa ni Colonia na buhatin ang kabuuang 280kg. sa ginanap na 1st quarterfly try-out ng Philippine Weightlifting Association   kung saan iniangat nito ang 125kg sa snatch at 155kg sa clean and jerk na kulang lamang ng limang kilo sa itinala ng nagwagi ng ginto noong 2010 Asian Games.

Kasalukuyang hawak ni Colonia ang national record sa 56kg. na 118 kg. sa snatch at 153 kg sa clean and jerk para sa kabuuang 271 kg. na itinala nito sa 2014 Philippine National Games noong Mayo.

Si Colonia ay gagaba-yan dito ni two-time Southeast Asian Games gold medalist  Greg Colonia na kanya ring  tiyuhin. Ilan sa matitinding  makakalaban ni Colonia ay ang mga kalahok mula  North Korea, China at Azerbaijan na nanalo ng ginto, pilak at tanso sa 2012 London Olympics.

Sasalang din ngayon sina   Eric Ang at Hagen Alexander Topacio para sa men’s trap shooting qualification. Opisyal na nagbukas ang Incheon Asian Games kahapon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending