Video Scandal nina Daniel at Jane sa loob ng PBB kalat na | Bandera

Video Scandal nina Daniel at Jane sa loob ng PBB kalat na

Alex Brosas |August 30,2014
facebook
share this

Video Scandal nina Daniel at Jane sa loob ng PBB kalat na

Alex Brosas - August 30, 2014 - 03:00 AM


Tila pinaglalaruan sina Daniel Matsunaga at Jane Oineza sa social media. Meron kasing kumakalat na video entitled “PBB Scandal: Watch Daniel Matsunaga and Jane Oineza”.

Kapag binuksan mo naman ang link ay kaila-ngan mo pa itong i-share. Pero matapos mo itong i-share ay hindi mo naman mabubuksan ang video.

Actually, malayung-malayo kina Daniel at Jane ang babae’t lalaki na nasa video na naglalampungan sa pool. Clearly, hindi sila ‘yon. Halata naming ibang tao ang dalawa kaya nothing to worry Daniel and Jane.

Ginamit lang ang dalawa siguro para pag-usapan lang ang link pero hindi naman ito nangyari. Walang naniniwala sa scandal video na ‘yon na kumalat sa Facebook.

Unang-una, halatang hindi si Daniel ang lalaking nakatalikod na merong kahalikang babae. Buffed ang katawan ni Daniel, hindi tulad ng guy sa video na parang may katabaan ang likod.

‘Yung sinasabing si Jane naman ay too mestiza at parang may kulay pa ang buhok. Sino kaya ang may pakana ng video scandal na ito kina Jane at Daniel?

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending