Bistek inupakan na naman ni Kris, tigilan na raw ang katatalak tungkol sa kanya | Bandera

Bistek inupakan na naman ni Kris, tigilan na raw ang katatalak tungkol sa kanya

Cristy Fermin |August 29,2014
facebook
share this

Bistek inupakan na naman ni Kris, tigilan na raw ang katatalak tungkol sa kanya

Cristy Fermin - August 29, 2014 - 03:00 AM

KRIS AQUINO AT HERBERT BAUTISTA

Nakatikim ng pangaral si Mayor Herbert Bautista mula kay Kris Aquino. Ito nga naman ang kilalang-kilala sa pagiging madaldal at taklesa pero bakit ang mayor ng Kyusi ngayon ang kuda nang kuda?

Marami raw responsibilidad na dapat asikasuhin ang aktor-pulitiko pero bakit kasi ang kanyang personal na buhay ang inaatupag bigyan ng atensiyon ni Mayor Bistek, patutsada pa ni Tetay.

Aba, may punto naman du’n ang aktres-TV host, tapos na ang naunsiyami nilang relasyon, pero bakit hanggang ngayon ay salita pa rin nang salita ang aktor-pulitiko?

Marami ring nagtataka kung bakit nagkaganu’n si Mayor Herbert, kung gaano siya katahimik nu’ng kasagsagan ng isyu tungkol sa kanila ni Kris, ‘yun naman ang pagiging madaldal ngayon ng aktor-pulitiko.

“Sana, hindi na lang siya nagsasalita. Sana manahimik na lang si Mayor Herbert, anyway, tahimik na naman ang kapaligiran tungkol sa pagli-link sa kanila ni Kris.

“Mahalay tingnan sa isang lalaki ang daldal nang daldal, nakaka-becki ang ganu’n, kaya may point si Kris sa mga patutsada niya kay Mayor Herbert!” konklusyon ng isa pa naming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending