Trabahong yayaman (2) | Bandera

Trabahong yayaman (2)

Joseph Greenfield |August 27,2014
facebook
share this

Trabahong yayaman (2)

Joseph Greenfield - August 27, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Jenilet  ng Barangay 11, Roxas City    
Problema:  
1.      Meron akong lisensiya sa aking propesyon pero hindi ko magamit-gamit ito sa kasalukuyan kong trabaho.  Ang nauna kong inaplayang mga trabaho ay partikular sa height at physical appearance.  Ang mga ito marahil ang dahilan kung bakit hindi ako natanggap.
2. Kapag naga-apply ako, karaniwan ay apat hanggang lima ang aplikante kaya may pagpipilian.  Heto ako ngayon.  Panggabi ang trabaho.  At dahil sa matagal na akong panggabi ay tumanda na ang hitsura ko at hindi na angkop sa aking edad na 25.  Pero, wala nang ibang trabaho kaya nagtitiis na lang ako kesa wala.  Anong trabaho ba ako yayaman?  Sa abroad?
Umaasa,
Jenilet ng Barangay 11, Roxas City  
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing sa sandaling nakapag-asawa ka ng isang Capricorn o kaya’y Aquarius na mayaman, puwede rin ang Taurus, at pagkatapos ay nag-negosyo ka, tulad ng naipaliwanag na sa Palmistry at Cartomancy, hindi tipikal na pamamasukan ang magpapayaman sa iyo kundi pagnenegosyo.
Numerology:
Ayon sa birth date mo, tiyak na yayaman ka, higit lalo kung ang lalaking magiging boyfriend at mapapangasawa mo ay isinilang sa petsang 5, 14, 23, 8, 17 at 26. Kapag ganya ang birth date ng lalaking napangasawa mo, tiyak na yayaman kayo.
Luscher Color Test:
Sa sandaling nakapagsimula ka na ng negosyo, laging gumamit ng kulay na pula. Sa pamamagitan ng kulay na pula, mas madali mong maa-attract ang pagyaman at maraming-maraming pera.
Huling payo at paalala:
Jenilet, huwag kang magre-resign o magsasawa sa kasalukuyan mong trabaho lalo na’t malaki naman ang suweldo, ang mahalaga ay mag-ipon ka nang mag-ipon ng puhunan. Kapag may sapat ka ng puhunan, sa taon 2019, simulan mo ang negosyong may kaugnayan sa kurso o kaya naman ay kalakal na may kaugnayan sa modernong teknolohiya at mga high tech na kasangkapan, makikita mo, lilipas ang limang taon, at mayamang-mayaman ka na!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending