Giyerang Carla-Geoff mas lalo pang tumindi; personalan na | Bandera

Giyerang Carla-Geoff mas lalo pang tumindi; personalan na

Ambet Nabus |August 21,2014
facebook
share this

Giyerang Carla-Geoff mas lalo pang tumindi; personalan na

Ambet Nabus - August 21, 2014 - 03:00 AM


Alam mo kapatid na Ervin, hangga’t hindi siguro tuluyang nagkakaroon ng harapang pag-uusap at paglilinaw  ang dating magdyowang sina Geoff Eigenmann at Carla Abellana, hindi titigil ang pang-iintriga sa kanila at tiyak patuloy pa rin silang magpapalitan ng masasakit na salita.

Wala nga kasing naniniwala na tuluyan na silang nagkapatawaran kung ang mga pasaring nila laban sa isa’t isa (sa social media) ang pagbabasehan.

Kapag naman may gustong magtanong at mag-follow up sa mga aksyon nila, panay naman ang iwas nila. Nitong huli nga ay si Carla ang umiwas at nadamay pa ang hindi niya pagsipot sa presscon ng “Somebody To Love”.

Sa dalawang presscon na pinuntahan namin for the movie, ni anino ni Carla ay hindi namin nakita considering na siya itong pinalalabas na pinakabida sa movie.

Showing na ngayon ang pelikula at kahit dumanas ito ng maraming intriga ay wish pa rin naming maging box-office ito sa takilya. Huwag lang sanang i-claim ni Carla na siya ang big star sa movie dahil as we said, sa twice naming pakikihuntahan sa cast members ng “Somebody To Love”, bukod tanging siya lang ang hindi namin nakachikahan.

Ang konklusyon nga ng lahat ay dahil sa umiiwas nga itong matanong at makunan ng reaksyon sa wala nilang kamatayang patutsadahan ni Geoff.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending