Blind item: Aktres walang ginawa kundi magmakaawang makausap ang mga anak | Bandera

Blind item: Aktres walang ginawa kundi magmakaawang makausap ang mga anak

Cristy Fermin |July 31,2014
facebook
share this

Blind item: Aktres walang ginawa kundi magmakaawang makausap ang mga anak

Cristy Fermin - July 31, 2014 - 03:00 AM

NAKIKISIMPATYA ang marami niyang kaibigan sa isang magandang aktres na may matinding problemang personal. Matagal na panahon na ang dinadalang problema ng aktres pero hanggang ngayo’y wala pa ring resultang positibo ‘yun dahil hindi siya nabibigyan ng pagkakataong ipaliwanag ang kanyang panig.

Kuwento ng aming mga impormante ay palagi nilang nakikitang iyak nang iyak ang aktres, kapag naaalala niya ang kanyang mga anak na hanggang ngayo’y may bitbit pa ring galit sa kanya, walang ibang nagiging reaksiyon ang babaeng personalidad kundi ang umiyak na lang nang umiyak.

“Ang masakit lang sa kanya, hindi naman kasi siya nabibigyan ng chance na makapagpaliwanag. Mababaw lang kasi ang alam ng mga anak niya tungkol sa problema. Na-brainwash na kasi ang mga bata, kaya kahit ano’ng gawin niyang paraan, galit pa rin sa kanya ang mga anak niya.

“Kung malalaman lang ng mga bata kung bakit kinailangang lumayo ang mommy nila. Wala namang babaeng bibitiw sa isang relationship kung maganda ang sitwasyon niya, di ba?

“Pero naunahan na kasi siya ng baligtad na paliwanag, ang alam lang ng mga anak niya, e, ang ginawa niyang pag-alis, pero ang mga reasons kung bakit, walang alam ang mga bata.

“Ilang beses na siyang nag-reach out, pero walang nangyayari. Gumagawa pa nga lang siya ng paraang magkausap sila ng mga anak niya, meron na agad humaharang. Nakakaawa naman siya, puro iyak na lang ang nagagawa niya,” kuwento ng aming source.

Masyadong matigas ang kalooban ng mga anak ng aktres, ang itinuturong dahilan ng kampo ng female personality ay ang kanyang dating karelasyon na kasama ngayon ng mga bata, ito ang mas nagpapalalim sa problemang pinagdadaanan niya.

“Wala namang plano si ____ (pangalan ng aktres) na kunin ang mga bata. Okey lang na ang daddy nila ang kasama ng mga anak niya. Ang gusto lang niya, e, ang makapagpaliwanag siya. ‘Yun lang, wala na siyang iba pang plano.

“Sana naman, e, mabigyan siya ng chance na makausap ang mga anak niya. Sana lang, para hindi naman siya ganyan na puro iyak na lang ang ginagawa niya. Gusto niyang makita nang personal ang mga anak niya, hindi palaging sa mga poster lang,” napapailing na clue ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending